CHAPTER 13-His Side

11 1 0
                                    

DYLAN'S POV

Hindi ko alam ang sasabihin. Ang laki kong G*g* sa nagawa ko kay Charlotte.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pero dahil sa nagawa niyang pag-iwan sa akin noon, natabunan ang pagmamahal ko ng galit at poot.

I planned to get revenge on her nung makita ko siya sa bar. Akala ko, magugulat siya sa akin pero parang yun palang ang una naming pagkikita. Akala ko, she's just fooling around kaya nakisabay ako. Akala ko, totoong kinalimutan na niya ako. Yun pala, puro akala lang iyon.

Flashback~~~

"Aalis ako." sabi ng taong mahal na mahal ko. Si Charlotte.

"Saan? sasama ako sayo." sabi ko. Akala ko nung mga panahong iyon ay pupunta lamang siya ng mall.

"Dylan. Nagkaproblema ang kompanya namin sa brazil at kailangan kaming bumalik doon." sabi niya at naiiyak na.

"Bakit kailangan mong sumama? can you just stay here with me?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

umiling-iling lang siya.

"I need to go there kasi baka hindi na kami makabalik pa." sabi niya. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa may tumulong luha na rin sa mga mata ko.

"You're leaving me?"

"Yes. But we can still be together Dylan." sabi ni Charlotte habang hinahawakan ang mukha ko.

"Ano yan LDR? walang nagtatagal sa LDR!" sabi ko at umiiyak na. TAKTE! NAKAKABAKLA! bat ba kasi mahal na mahal ko tong babaeng to?

"My mom wants me to break up with you kasi nga bata pa tayo. Pero, alam kong sa edad natin ngayon... we feel love." sabi niya sa akin at pinilit na ngumiti. "Kahit naman na makipagbreak ako sayo. Mahal pa rin kita. You already have my heart. Alam kong gagawa ang tadhana para magkita tayo ulit. At sa mga panahong iyon... wala ng makakapaghiwalay sa atin." sabi niya and kissed my forehead.

"May ganon ba talaga sa totoong buhay?! LECHE! SA FAIRYTALE LANG MAY GANYAN CHARLOTTE! THIS IS REALITY!" naghehesterical na talaga ako dito at napatayo na.

"MERON! MERON KUNG TAYO TALAGA!" sabi niya at niyakap niya ako mula sa likod.

"Bakit ba kailangan nila tayong paghiwalayin?" sabi ko.

"Isa itong pagsubok Dylan. Mahal na mahal kita tandaan mo yan. Kahit na mawala ako, tandaan mong mahal na mahal kita." sabi niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Mahal?! kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan." sabi ko at iniwan siyang umiiyak. Masakit. Masakit makitang umiiyak siya dahil sa nasabi ko. Totoo naman talaga eh. Kung ako nasa sitwasyon niya, hinding-hindi ko siya bibitawan. I may sound so damn immature pero yun talaga ang gagawin ko.

----------

Wala akong magawa ngayon kaya pumunta ako sa bar at nilunod ko ang sarili ko sa alak.

"Dylan. Tama na yan." sabi sa akin ni Jheyvon. Classmate ko siya.

"Pare, wag mo akong pakialaman *hik* alam mo bang *hik* ang sakit-sakit iwan ng mahal mo dahil sa lecheng problema sa kompanya? *hik*" sabi ko

"Pare, lasing ka na. Intindihin mo nalang si Charlotte pare. May mas matinding rason ang kung ano man ang kanyang naging desisyon. Pare, kung kayo naman talaga... kayo talaga." sabi niya.

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now