CHAPTER 10- Game Over

14 1 0
                                    

Hindi ako mapakali sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko nga ba alam bakit... Why is my heart beating so fast? Bakit ako natatakot? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

It feels like I've known him for too long...
It feels like I've already invested feelings for him in the past.

Ngayon ko lang naman siya nakilala eh. Ngayon lang talaga.

Pero napaisip ako...

Ngayon lang ba talaga?

I'm so stressed!

Calling...mama...

Sakto naman at tumawag si mama sa akin. Maybe I should ask her. Baka may alam siya.

"Hello ma?"

"hi hija. Nakauwi na ako ngayon. May pasalubong ako sa iyo." Masiglang sabi ni mama sa akin.

"Really ma? may itatanong din kasi ako eh." Excited kong tanong. Excited naman talaga ako eh. Pero, natatakot din ako sa pwede kong malam.

"Ano yun anak?"

"It's better to ask you this in person ma. Sige ma. I'll hang up na ha? para makauwi na ako."

"Adios mi amor." (goodbye my love) sabi ni mama sa akin.

Dali-dali kong niligpit ang mga kagamitan ko nang matapos ang klase namin. Papaalis na rin sana ako ngunit nakita ko si Dylan sa labas ng room namin.

"Babe, hatid na kita." sabi niya.

Well, maybe I should say yes diba? kailangan siguro na magkita si mama at Dylan.

"Okay. Halika na. Nagmamadali ako." sabi ko at naunang naglakad.

Nagtataka si Dylan sa inaasta ko ngayon. I felt anxiety.

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko nang mag red light.

"You look like hindi ka mapakali. Okay ka lang ba?" sabi tanong niya.

I smiled at him to assure him that I'm okay. Ayokong magsalita at baka may masabi akong hindi maayos.

"Bye babe." sabi niya. Nakarating na kami sa bahay ko at nagtaka ako kasi everytime ihahatid niya ako ay palagi lang siyang nasa loob ng kotse.

It puzzled me.

"Pasok ka muna sa loob." sabi ko habang nakangiti.

"Ha? wag na babe. May gagawin pa ako." Sabi niya.

"Sige na. Ngayon lang ako mag ple-please sa yo. Pleaaasseeee?? please babe?" sabi ko. I said 'babe' para naman ma convince siya. Nagpuppy eyes din ako para naman mas convincing.

He just sighed and suddenly, he smiled.

"Hindi kita kayang tiisin." sabi niya at pumasok kami sa bahay.

Sakto naman nandoon si mama sa sala.

"Holaaaaa maaaaa!" sabi ko kay mama.

Narinig kong napamura si Dylan.

"You didn't told me your mom is here." kunot noong tanong niya. Nagtataka ako kasi bigla na lamang siyang pinagpawisan.

"Is it just great? Maipapakilala kita sa kanya." nakangiti kong sabi.

"Hi anak. Oh! may kasama ka pala..." sabi niya. Nang mas makita niya si Dylan biglang nanlaki ang mata niya. "WHAT ARE YOU DOING HERE?!" galit na tanong niya.

Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari.

"Ma, bakit ka ba nagagalit? wala naman siyang ginawang masama ha?" sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now