CHAPTER 14- Moon

17 1 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

Ilang araw na akong hindi pumapasok. Ilang araw na akong nakakulong at umiiyak sa kwarto ko. Hindi ako kumakain kahit hinahatdan ako ng mga maids namin ng pagkain.

I want to starve myself to death.

Ano pa ang silbi ng buhay ko kung simula't sapul palang ay wala ka ng nakaraan? Pinagkaitan kang malaman ang totoo? Higit sa lahat, ang taong mahal na mahal mo ay iniwan ka na lamang?

*toktok

Hindi ko pinansin ang kumakatok. Alam ko na naman kung sino yun.

Si Jheyvon...

Siya lamang ang nandito sa tabi ko palagi para i-comfort ako. Kahit hindi ko siya kausapin, ang daldal-daldal niya. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit nagtyatyaga siya sa isang katulad ko.

"Lotte? Hindi ka na naman ba kumain?" tanong niya. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Iba ang tono niya ngayon. Parang ang seryoso niya. Nitong nakalipas na araw kasi ay napaka-jolly niya.

"Ilang araw ka ng ganyan." sabi niya. Hindi ko siya matingnan sa mata niya.

Hindi pa rin ako kumikibo sa kanya. Ayoko. Ayokong magsalita.

JHEYVON'S POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Charlotte. Araw-araw ko iyong ginagawa dahil umaasa ako na ako ang magiging dahilan sa muli niyang pagngiti.

Oo. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakawala ng pasensya ang ginawa niyang hindi pagkibo sa akin. Pero, hindi ko kayang magwalang kibo nalang habang nakikita siyang nasasaktan.

Masakit.

Masakit makita ang taong mahal mo na iniiyakan ang mahal niyang iiwan at iiwan siya.

Mahal ko si Charlotte. Matagal na. Kinuha kong course ang accountancy kahit gusto kong maging doctor dahil sa kanya. Pero, kahit anong gawin ko... iba at iba parin ang sinisigaw ng puso niya at wala na akong pag-asa para mapalitan sa puso ni Charlotte si Dylan.

Malapit na ako sa bahay nila Charlotte ng may makita akong pamilyar na lalaki na may kahalikan. Hininto ko ang kotse ko at bumaba.

*boooggssshh!

"WHAT THE?!" sabi ni Dylan at biglang napaupo sa lakas ng suntok ko.

"G*GO KA! HINDI MO BA ALAM NA HALOS PATAYIN NA NI CHARLOTTE ANG SARILI NIYA!" sabi ko.

Napatawa siya.

Dahil sa galit ko, sinipa ko pa siya. Hindi ko nga lubos maisip bakit hinaayan niyang gulpihin ko siya at hindi siya lumalaban.

"I didn't ask her to kill herself for me. You want to avenge her?! BEAT ME UP UNTIL I DIE!" sabi niya at tumayo.

"HAYOP KA! MAHAL KA NIYA! TAPOS?! IKAW?! NAKIKIPAGHALIKAN SA IBANG BABAE?!" sabi ko at tinuro ang babaeng gulat na gulat sa pangyayari. Parang tourism student siya.

"HINDI SIYA IBANG BABAE DAHIL GIRLFRIEND KO SIYA!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nasuntok ulit siya.

"ANONG GINAWA MO KAY CHARLOTTE?! GINAWA MONG THIRD WHEEL?! GANYAN KA BA KA BITTER SA NANGYARI NOON?!" sabi ko at pinagsusuntok siya. Ang babae ay lumapit na sa kanya para tulungan siya. Nagdudugo na kasi ang mukha ni Dylan.

"Tama na..." sabi ng babae at biglang umiyak.

Naaalala ko si Charlotte. Umiiyak siya. Kailangan ng karamay. Kailangan niya si Dylan pero, eto ngayon si Dylan at niyayakap ang babaeng umiiyak.

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now