Chapter 8- Your Call

9 1 0
                                    

Today is the 15th day of our game.

Habang naglalakad ako sa hallway may nakasalubong ako na mga Tourism students. Hindi ko na sana sila papansinin pero may narinig akong nakapagpataas sa highblood ko.

"Looks like the whore of BSA is here. Tinutuhog ang isang CE at BSA." sabi ng matangkad na morena na kulot ang buhok na natatabunan na ang mukha dahil sa make up. Alam ko, kahit wala silang pangalang sinasabi...ako yun! sa akin sila nakatingin at tumatawa.

Aalis na sana sila but then I grabbed her hand.

"Anong sabi mo?" sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"What? get your dirty hands of me!" sabi niya na parang nandidiri. Ang mga kasama naman niya ay tawa ng tawa.

I smirk

"Dirty? mind if you look at yourself? ugly na nga, dirty pa kasi natatabunan na ng make up mo ang mukha mo." sabi ko at iniwan ang babaeng nakanganga.

Sana may lamok kang malunok.

Nakapasok ako sa clasroom na nakabusangot at padabog akong naupo.

"Oh~ anong nangyari?" tiningnan ko si Jheyvon na magkasalubong ang kilay.

"May mga hipon kasing naglalakad sa hallway kanina eh." sabi ko.

Tumawa lang siya and he pinched me.

"Smile. Nakakatakot kang magalit." sabi niya.

I just rolled my eyes at mga ilang sandali lang ay pumasok na ang prof namin.

Blah blah~~ zzzzzzzzzzz!!!

"MISS MENDOZA!" Napapitlag ako ng marinig ko ang prof namin na sumigaw.

"HINDI AKO UMUTOT!" Biglang sigaw ko.

Natawa lahat ng classmate ko. Grabe! nanliliit talaga ako sa nasabi ko.

Eto yung mga panahon na gusto ko na lang lamunin ako ng lupa.

"Well Miss Mendoza, hindi ko alam ang nasa panaginip mo but I'm sure na hindi ka nakikinig kaya GET OUT OF THIS CLASS RIGHT NOW!" sabi niya. Eto kasing prof namin, walang lovelife kaya palaging bulkan na sumasabog.

Nakatayo lang ako sa labas ng classroom namin. Nakita kong naglalakad si Dylan papunta sa amin. Nakakahiya kung makikita niya ako dito. Todo ang iwas ko sa kanya pero tanga lang talaga ang hindi makakakita sa akin.

"Babe, ba't nasa labas ka? Pinalabaaaass kaaaa noooooooh?" nanunuksong sabi niya.

Ngumuso nalang ako at hindi siya pinansin.

"Eto oh." sabi niya at binigyan ako ng tubig.

"Wag naaaaaa~" sabi ko sa kanya.

"You need it. Baka ma dehydrate ka." sabi niya.

"OA naman nito. Tatayo lang naman ako okay? wag kang mag-alala."

"Sige na. Don't reject my offer like how you always reject me." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay. "JOKKEEEEEEEE!" sabi niya at tumawa ng mahina.

Kinuha ko ang tubig at ininom iyon.

"Kitams, nauuhaw na nga." sabi niya.

"Ba't mo alam?"

"your lips are dry. Gusto talaga kitang halikan para naman hindi na siya ma dry yang lips mo." then he giggled. bago pa ako mainis, may sinabi na naman siya. "But, I respect you kaya hindi ko yun gagawin."

Respect? he already kissed me na nga in public.

"I know, I already kissed you. Nagkamali ako at ayaw ko naaulit yong pagkakamali ko sa iyo." sabi niya.

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now