CHAPTER 12- Revelations

14 1 0
                                    

Pagmulat ko ng mga mata ko, nagulat ako ng namalayan kong wala pala ako sa kwarto ko at nasa tabi ko natutulog si mama. I brushed her hair pero nagising lang naman siya.

"are you okay hija? natatakot ako baka ano na ang nangyari sa iyo kaya nung nakita kitang nasa sahig kinabahan agad ako at dinala ka sa ospital." sabi ni mama at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala.

I just cried. Niyakap niya lamang ako.

"Anak, wag nalang siya." sabi niya. Ramdam ko sa boses ni mama ang lungkot.

Bakit ayaw niya kay Dylan?

"Bakit ma? anong problema kay Dylan?" tanong ko.

"Wala anak. Just please, stay away from him."

Iyak lang talaga ako ng iyak hanggang sa napagod ako at nakatulog na naman. Paggising ko si Jheyvon ang nakita ko kasama niya ang tatlo.

"Are you okay Charlotte?" sabi nilang lahat.

Tumango na lamang ako.

"We're so sorry Lotte sa lahat ng nangyari at sa lahat ng nagawa namin." sabi ni Sandy.

"I know you can't forgi----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Misty.

"Give me time. I'm too tired to think about that thing. Isa pa, wala ng halaga ang sorry kung hindi niyo maibigay ang impormasyong kailangan ko." sabi ko. Yun naman talaga ang totoo eh. Sa totoo lang, mahal ko tong mga bruhang to pero sa mga nangyari sa akin, wala ng lugar ang pagpapatawad.

"Si Dylan o ang mama mo ang may karapatang sabihin sa iyo ang lahat." sabi ni Ally.

Again with that name.

"Where is he?" bigla kong naitanong at tiningnan si Jheyvon. Ngayon, si mama at Jheyvon lang ang kaya kong kausapin.

"Nasa bahay nila." sabi niya at tumingin sa malayo.

"I want to talk to him." sabi ko at napatingin si Jheyvon.

"Hindi pwede."

"at bakit?"

lumapit siya sa akin at hinimas ang mukha ko. Gently...

"Ayokong nakikita ang kulay asul mong mata na nalulungkot at nasasaktan. Kung pwede nga lang burahin sa mundo yung Dylan na yun, ginawa ko na." sabi niya habang ako nakatulala na lamang. Pero hindi nakatakas sa akin si Ally. Nakita ko kung gaano siya nanlumo.

"I.NEED.HIM. I WANT HIM!" bigla ko yung naisigaw at napaiyak na naman ako. Si Jheyvon niyakap na lamang ako. Gosh! I am so desperate.

"Fine. Ally, tawagan mo si Dylan please." sabi ni Jheyvon kay Ally. Nagulat pa nga si Ally at dali-daling tinawagan si Dylan. "Shhh~ wag ka ng umiyak please." sabi niya. I pushed him gently kahit na nacocomfort ako ng mga yakap niya, ibang tao pa rin ang kailangan ko.

Maya-maya bumukas ang pinto at nakita ko si Dylan. Walang emotion ang mga mata niya. Umalis na rin ang apat at naiwan kaming dalawa.

"Please comeback to me." pagmamakaawa ko. I hate that I'm begging for him.

Lumapit siya sa akin at umupo.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Hindi pa ba malinaw lahat ng sinabi ko sa iyo noon? I told you past time lang kita." sabi niya habang cold pa rin.

Napaiyak ako sa naririnig ko.

"I saw you're sincerety na mahal mo ako noon. Dylan I know you love me." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Inalis niya iyon at tumawa ng mapait.

Twisted(On-going)Where stories live. Discover now