CHAPTER 15- It's the rain

11 1 0
                                    

JHEYVON'S POV

Buong gabi si Charlotte at Ally ang nasa isipan ko. Hindi ko nga rin alam kung papaano ako nakatulog.

Naglalakad ako papuntang hallway ng may biglang nagsalita.

"Well, totoo palang may zombie noh?" napapitlag ako dahil sa nagsasalitang katabi ko na hindi ko alam na magkatabi na pala kami.

Natawa lang siya.

"Bakit ka nandito Ally?" tanong ko sa kanya.

"Don't you know? CHARLOTTE is back!" sabi niya at hinawakan ako sa braso at nagtatalon-talon. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.

"Really? she's back?" hindi ko maiwasang ngumiti ng malapad.

"Oo. Kaya, dadalawin ko sana siya. Syempre! ikaw rin!" sabi niya habang namumula.

"Ally alam mo nam----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan na niya ang bibig ko.

"Shh! alam ko! alam ko! halika na nga!" sabi niya at hinila ako papunta sa classroom.

Napakabipolar nito!

"CHARLOOOOOTTTTEEEEEEEEEE!!!!!!" sigaw niya ng makarating kami. Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sobrang ingay niya.

"ALLY! shut up nga." sabi ni charlotte and rolled her eyes. Gorgeous.

tapos ayon na nga. Nagkwentuhan silang dalawa hanggang sa umalis na si Ally dahil may klase na daw siya.

Tinitigan ko lang talaga si Charlotte. Napatingin din siya sa akin.

"What? may dumi ba ako sa mukha?" sabi ni Charlotte.

Umiling lang ako.

Nakita ko siyang ngumiti pero nawala agad ang mga ngiti niya ng tumingin siya sa may pintuan.

And there I saw Charlotte's love...

Dylan.

Napatingin si Dylan sa kanya. I can't afford seeing her sad because of this asshole. Hindi ko alam anong nagawa ko pero I just hugged her habang nakatingin si Dylan sa kanya. Hindi ko na nakita pa kung ano ang naging reaction ng asshole na yun. Pero, pagkatapos kong yakapin si Charlotte... nakita ko siyang ngumiti.

"Thank you." sabi niya.

eksakto naman na dumating na ang professor namin.

Blah blah blah~~ lesson lesson lesson...

--------------------

Uwian na ngayon. Ang bilis talaga ng oras. Kasama ko si Charlotte because I insisted na magsabay kaming dalawa.

"Alam mo Jheyvon? Pag kasama kita, nawawala ang sakit na nararamdaman ko kahit papaano." sabi niya sa akin habang nakayuko.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Masaya ako kasi may kaibigan akong kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko sa taong mahal ko." sabi niya.

"Paano kung hindi lang kaibigan ang turing ko sa iyo Charlotte?" hindi ko alam pero bigla na lang talaga yung lumabas sa bibig ko. Nagda-drive ako ngayon papunta sa kanila.

Umiling siya habang nakangiti.

"Hindi dapat ako ang piliin mong mahalin Jheyvon. Kahit matagal-tagal na akong nagkulong sa kwarto, kitang-kita ko na may isang taong nagmamahal ng totoo sa iyo. Alam kong, naiisip mo siya. Tuwing naiisip mo ako, kasunod non ang pag-iisip mo sa nararamdaman niya sa iyo." sabi niya. Sakto naman na nakarating kami sa kanila.

Twisted(On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora