IPR - 3

305 8 1
                                    

"Matulog na kayo Devon, Samuel. Kailangan maaga tayo sa eskwelahan bukas. Magpapa-enroll ka pa bukas Devon." paalala ni Daddy Julius.

    "Dad, ako na lang po ang sasama sa kanya magpa-enroll bukas para hindi ka na maabala," prisinta ni Samuel.

    "Sige hijo. Ikaw na bahala kay Devon bukas. Pagkatapos ay samahan mo na rin siya sa mall para makabili ng mga gamit niya. Ingatan mo siya. Alalahanin mong anak siya ng taong pinagkakautanga ko ng aking buhay."

    "I know Dad. Wala kang dapat alalahanin," pangako ni Samuel, kapagkuwa'y hinarap siya. "Tara sa taas Devon. Napuyat ka na tuloy sa pakikipag-kwentuhan sa akin. But honestly, I really enjoyed talking with you." Nakahawak ito sa kanyang siko habang naglalakad. Hindi naman niya magawang bawiin iyon. Tuloy, ang bilis na naman ng pintig ng kanyang puso.

                                                              ***---***---***---***---***---***---***

Hindi pa rin makapaniwala si Devon na kabilang na siya sa mga residente ng mansiyon kahit na nakahiga na siya sa malambot na kama at dinadama ang lamig na nagmumula sa aircon. Ngunit ang higit na hindi niya mapaniwalaan ay ang kakaibang damdamin na nararamdaman ngayon ng kanyang puso. Bago sa kanya ang madalas na pagbilis ng tibok ng kanyang puso kapag nagtatama ang mata nila ni Samuel. Bago sa kanya ang init na tumutulay sa kanyang kalamnan kapag nagdidikit ang kanilang mga balat. Higit sa lahat, bago sa kanya ang malakas na pagnanais na mayakap ito.

    Huwag ka ngang mag-ilusyon Devon! sabi ng isang bahagi ng kanyang isip.

    Siyanga naman. Baka pagtinging-kapatid lang ang pagka-giliw na pinapakita nito sa kanya.

                                                             ***---***---***---***---***---***---***

Paalis na papuntang skwelahan sina Devon at Samuel nang humarang sa daraanan nila si Ann.

    "Sasamahan mo pala siya?kung gano'n, hindi mo pala ako masasamahan sa pagpunta kanila Ivan??" sumbat nito kay Samuel.

    "Oo. nangako ako kay Daddy na sasamahan ko siya ngayon na magpa-enroll. Afterwards, magmo-mall kami." ani Samuel

    "Bakit naman kelangan mo pa siyang samahan?? hindi naman na kinder o prep si Devon?? Kayang kaya na niya magpa-enroll by herself, hindi ba Devon??"

    Maagap naman si Samuel sa pagsagot. "Ann, hindi pa kabisado ni Devon ang pasikot-sikot sa school ninyo. Saka bakit naman kita kelangan samaha kanila Ivan?? Dati ka nang pumupunta roon, ah."

    "Nahihiya nga akong humarap sa Daddy niya eh. Ginabi kasi kami ni Ivan sa pamamasyal noong isang araw. Nagalit daw ang daddy niya."

    "Ayun, lumitaw din ang totoo. Naglakwatsa pala kayo ni Ivan kaya ka gianbi noon. Bakit sabi mo sa amin ni daddy ay um-aatend ka ng birthday party ni Ivan??"

    "Er...ahm... Iyon ba ang sinabi ko?? Kalimutan mo na 'yon. Basta samahan mo ako roon ngayon," demand nito, sabay parang batang ipinadyak ang mga paa.

    "Hindi nga pwede Ann. Nasabi ko na sayo ang rason kung bakit." mariing sabi ni Samuel.

    "Ganyan ka na ngayon. Mahina na pala ako sa'yo. Alam ko naman kung bakit eh. I'm not your only sister anymore."

    "Kung gusto mo, sumama ka na lang sa amin ni Devon. Tapos sasamahan ka namin kina Ivan. Okay ba 'yon??"

    "Hmp! Wag na lang. Wala naman akong bibilhin sa mall dahil hindi ako binigyan ng pera ni Daddy." tumalikod na ito.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon