IPR - 15

177 5 2
                                    

"Devon?? Clifford?? anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Sam.

    Noon lamang iniangat ni Clifford ang katawan nito sa kanya. Lumantad ang dibdib niya na natatakpan lamang ng lalaki kanina.

    Nanghihina pa siya kaya hindi agad nakakilos. Tulalang nakatingin lang siya ng sugurin ni Sam si Clifford ng suntok.

    "You son of a bitch! Isa kang ahas! Tinanggap ka namin bilang bisita rito pero ano ang iginanti mo?!"

    Nakita niyang ni hindi man lang lumaban si Clifford, kahit putok na ang mga labi nito. "Sam, patawarin mo na kami ni Devon. We love each other. Hindi na kami nakapagpigil," sabi nito.

    Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Gusto niyang magsalita, gusto niyang itanggi ang mga sinasabi nito ngunit parang nawalan siya na siya ng lakas. Pati ang boses niya ay ayaw ng lumabas.

    "Devon, pasensiya ka na, hindi ako nakatupad sa usapan natin. Hindi ko naman kasi akalain na susunod si Sam sa akin sa pagpunta ko rito sa kwarto, eh. Wa-warning-an ko sana kayo na nandito na siya," kunwari ay apologetic na sabi ni Ann sa kanya.

    Lalo siyang napamaang. Naiintindihan na niya ang gustong palabasin nito. Lalo siyang nawalan ng lakas na ipagtanggol ang sarili niya ng makita niya ang poot sa mga mata ni Sam.

    Muling tinadyakan nito si Clifford. "Lumayas ka sa pamamahay na ito bago ko pa madungisan ang kamay ko ng dugo ng isang hudas!" humihingal sa galit na sabi nito.

    Patakbong lumabas ng silid si Clifford pagkatapos siyang sabihan ng "Love, hihintayin kita. Puntahan mo lang ako doon sa favorite meeting place natin kapag wala si Samuel."

    Marahil ay dulot ng shock kaya para siyang na-paralyze, kaya hindi siya makapagsalita para ipagtanggol ang kanyang sarili.

    Inatake siya ng matinding takot ng siya naman ag balingan ni Sam. ang dating mga mata nito na punung-puno ng pag-ibig kapag nakatingin sa kanya, ngayon ay punung-puno ng galit. Lalapitan sana siya nito ngunit humarang si Ann.

    "Samuel, don't. Kasalanan ko ito. Hindi ko agad ipinagtapat sayo. Nakiusap kasi sakin si Devon na siya na lamang daw ang magsasabi sa iyo kapag nagkaroon daw siya ng lakas ng loob. Hindi niya raw masabi-sabi sayo dahil sabi mo, mahal na mahal mo siya. Isa pa, pinsan ko pa ang involved dito," waring hiyang-hiya pang sabi nito kay Sam.

    Tinabig ni Sam si Ann. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata habang papalapit si Sam sa kanya. Naramdaman niya ang pagbaon ng mga daliri nito sa kanyang mga balikat. Niyugyog siya nito ng malakas. Pakiramdam niya ay makakalas na ang kanyang mga buto.

    "Bakit ginawa mo sa akin ito, Devon?? I respected you. Minahal kita higit sa lahat pero hindi ka palakarapat-dapat pag-ukulan ng kahit katiting na pagmamahal. Mas mabuti pang iniukol ko sa isang aso ang pagmamahal ko kesa sa isang katulad mo!" Marahas siyang binitiwan nito.

    "Siguro naman, hindi na kita kailangang ipagtabuyan. Bibigyan ko pa rin ng dignidad kahit paano ang pag-alis mo rito alang-alang sa pagkakaligtas ng itay mo sa buhay ni Daddy. Kung may delicadeza at kahihiyan ka, hindi mo na magagawang tumira pa sa pamamahay namin," matigas na sbi nito.

    Noon lamang kumawala ang luha sa kanyang mga mata. kahit parang may nakabara sa kanyang lalamunan ay pinilit niyang magpaliwanag. Nabubulagan lamang ang isip ni sam dahil hindi nito alam ang katotohanan.

    "Samuel, hindi totoong---"

    "Stop it! Huwag mo na akong dramahan. Hindi ako tanga, Devon! Kitang-kita ng mga mata ko ang lahat. Katunayan, hayan at nakalantad pa hanggang ngayon ang katibayan ng ginawa ninyo."

    Noon lamang niya napag-ukulan ng pansin ang naka-expose niyang dibdib. Iyon ang sinasabi nitong katibayan ng isang kasinungalingang pinlano ni Ann.

    Nilingon niya ito. Kitang-kita niya ang ngiti ng tagumpay sa mga mata nito. Naalala niya ang sinabi nito noon na hindi pa siya nakakatiyak ng kaligayahan dahil ibang klaseng kalaban ito. Tama, tuso nga ito dahil napaniwala siya nito at maging ang lahat na totoo ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Paraan lamang pala nito iyon para maitago ang mga plano nito para sa kanya.

    "Devs, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya na makita ni Sam ang lahat. Ikaw kasi, hindi mo pa ipinagtapat sa kanya agad para hindi na umabot sa ganito. Kung may magagawa lang ako para huwag ka ng umalis dito." Mangiyak-ngiyak pa ito. Pwede talagang bigyan ito ng acting award sa galing nitong umarte. Napaniwala pa nga nito si Sam. Ang masakit, mas pinaniwalaan pa ito ni Sam kesa sa kanya.

    "Leave her alone, Ann. She doesn't deserve your apology and your sympathy," sabad ni Sam at mabilis na lumabas ng kwarto.

    Naiwan pa roon si Ann. Sa pagkakataong iyon ay nakangisi na ito na parang kontrabida sa pelikula.

    "Like I've told you, Devon, masama akong kalaban. Ngayon, saan ka pupulutin?? Sa kangkungan. Babalik ka sa putikan, sa barongbarong na pinanggalingan mo. Good riddance," sabi pa nito bago lumabas din ng silid.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon