IPR 26

210 6 0
                                    

 Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Binalak kitang kausapin pero nakita kong nagkakaunawaan na kayo ni James kaya nawalan ako ng lakas ng loob. Devon, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Dahil sa labis na pagmamahal ko sayo ay natakot akong maagaw ka ng iba. At noong nakita mismo ng sarili kong mga mata ang lahat, masisisi mo ba akong maniwala? Pero sa kabila ng lahat, kahit na akala kong naagaw ka na ng iba, minahal pa rin kita at hindi ka kailanman nawala diro." Itinuro nito ang tapat ng kaliwang dibdib.

    "Ngayon, kung... kung wala na akong lugar dyan sa puso mo, sabihin mo lang, kahit ano ay gagawin ko maibalik lamang muli ang pagmamahal mo para sa akin. Kung kinakailangang maghintay ako ng habang-buhay mapatawad mo lang ako ay gagawin ko," Mangiyak-ngiyak ito sa pagsusumamo.

    "Hindi mo na kailangang magintay ng habang-buhay, Samuel. Ang tunay na pagmamahal ay laging nakahandang magpatawad sa minamahal gaano man kalaki ang kasalanan nito." sabi niya.

    "Ibig mong sabihin m-mahal mo pa rin ako?" hindi makapaniwalang tanong nito.

    "Yes. I Love you and I will always do. kahit ilang panahon ding natakpan ng hinanakit ang pag-ibig na ito, hindi ito kailanman nagbago."

    Niyakap siya nito ng mahigpit. "I was a fool. Bakit ba hindi ko pinaniwalaan ang ibinubulong ng puso ko noon pa man? Babawi ako, sweetheart. From now on, hindi na dadaigin ng insecurities at takot ang pagmamahal ko sa iyo."

    Kumawala siya rito ng may maalala siya. "Paano si Yen?"

    "I broke up with her last night. Hindi ko kayang dayain ang sarili ko."

    "Siya nga pala, sabi Ann ay mahal na mahal ka niya. Pa'no nangyari iyon?? Magpinsang-buo kayo, diba?"

    "Hindi kami totoong magpinsan. Ampon siya ng kapatid ni Daddy. Besides, hindi rin totoong kapatid ni Daddy ang ama niya. adopted child lang din ito ng lolo ko. Kaya siguro hindi magawa ni Ann na ituring akong kamag-anak o kapatid."

    "But it doesn't matter now, Devon. all that matters now is the fact that we still love each other despite the pains and the miseries we went through. I Love you,sweetheart."

    "I Love you too," sagot niya.

    "Marry me??"

    "Yes," walang kagatul-gatol na sagot niya.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon