IPR - 14

175 6 1
                                    

A/N: hello :) so here's the next chapter. Salamat pala sa mga nag comment. I appreciated it ☺ tsaka ide-dedicate ko tong chapter na to sa kanya :DD 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "Devon,  may dadaluhan akong party mamayang gabi. Makikisuyo sana ako, pakitingin-tingin mo lang kahit paminsan-minsan si Clifford sa room niya. Kadalasan kasi, gabi siya inaatake ng sakit niya," pakiusap ni Ann sa kanya.

    Hindi siya nakasagot agad. Ang silid na inookupa n iClifford ay malayu-layo rin sa silid na inookupa niya. Mahirap naman atang magparoon at parito pa siya para bantayan ito. Saka sa tingin niya ay malakas pa ito kesa sa kanya.

    "Please,Devon. Anyway, kahit every hour mo lang siyang silipin. Hindi ko ipinapa-lock sa kanya ang room niya para natse-check ko siya. Sandali lang naman ako sa party. Hindi ko matanggihan si Monique, 'yong best friend ko. Saka, dadaan nga pala ako sapad ni Sam. Magpapasama ako sa kanya. Maaring dito na rin siya tutuloy mamaya kasi wala sina Daddy at Tita Carmela. Para may kasama naman tayo bukod sa mga katulong."

    Bigla siyang nakadama ng excitement sa kaalamang doon din matutulog si Sam. "Sige, Enjoy the party," sabi niya.

    Alas-nueve ng gabi ng umalis si Ann. Nang tignan niya ang relo ay alas-diyes na. Kait inaantok na siya at gusto ng pumikit ng mga mata niya ay bumangon siya para silipin si Clifford sa kwarto nito.

    Dahan-dahang pinihit niya ang doorknob ng pinto. Nakita niyang nakahiga na ito. Naka-shorts lang ito. Wala itong pang-itaas. Napansin niya ang waring panginginig ng buong katawan nito. Maaring inaatake ito ng epilepsy.

    Nilapitan niya ito ngunit laking gulat niya ng bigla siyang hilahin nito. " Ay!" Nadapa siya sa ibabaw nito.

   "Huli ka!" nakangising sabi nito. Niyakap siya nito, kapagkuwan ay gumulong ito. Natagpuan niya ang sariling nasa ilalim na nito.

    "Hayup ka! Anong ginagawa mo sa akin?? Bitiwan mo ako!" galit na galit na sbi niya rito habang nagpupumilit na makawala sa pagkakadagan nito.

    "Huwag ka ng magpakipot. Gusto naman talaga kita,eh. Ang ganda-ganda mo kasi. Alam mo bang wala talaga akong epilepsy at lalong wala rin akokng sakit sa puso. Malakas pa ako sa kalabaw."

    "Kung gano'n, niloko ako ni Ann??"

    "Yes, darling. Mayamaya lang ay darating na sila. Makikita ka ng boyfriend mo rito sa kwarto ko. At iyon ang gustong mangyari ng pinsan ko kaya niloko ka niya. ang totoo lang sa sinabi niya ay 'yong type kita," sabi nito sabay pinaghahalikan ang kanyang leeg.

    "Mga hayup kayo! Bakit ninyo ako ginaganito??"

    "Dahi hadlang ka sa gstong mangyari ni ann. Anyway, huwag ka ng magwala. Kung hindi mo pa nararanasang makatalik ang boyfriend mo, ako ang magpapalasap sa iyo niyon. Don't worry, you won't be disappointed. I'll make you feel how it is to be loved by a man."

    "Hayup ka! Demonyo!" galit na galit na sabi niya habang patuloy sa pagpupumiglas. Sinikap niyang makapanlaban at maipagtanggol ang nanganganib na puri sa pamamagitan ng pagsipa rito ngunit higit na malakas at malaki ito kesa sa kanya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at itinaas sa kanyang uluhan. Hinawakan iyon ng isang kamay nito habang tinatanggal naman ng isa ang mga butones ng pajama top niya. Mayamaya lumantad sa mga mata nito ang kanyang dibdib.

    "Hayup ka talaga! Bit---"

    Nakulong ng mapangahas na bibig nito ang pagtutol niya. Ginagawa man niya ang lahat ng effort ay hindi rin siya makawala rito.

    Hanggang makaramdam na siya ng panghihina. Diring-diri siya sa pagkakalapit ng hubad na dibdib nito sa kanyang dibdib na naka-expose. Pati ang luha niya ay waring natuyo kung kaya't hindi magawang makalabas sa kanyang mga mata. Patuloy si Clifford sa paghalik sa kanya ngunit wala siyang magawa. Dinarasal na lamang niya na sana dumating na si Samuel. Sana ay makita nito ang kapangaasang ginagawa ni Clifford.

    Nabuhayan siya ng pag-asa ng makarinig siya ng mga yabag ng paa palapit sa silid. Kilala niya ang lagutok ng sapatos ni Ann at lalaong kabisado niya ang isa pang tunog ng paghakbang na kasabay niyon, kay Samuel.

    "Sam, huwag ka nang papasok. Hintayin mo na lang akko riyan," narinig niyang sabi ni Ann.

    "Bakit parang may kinatatakutan kang makita ko?? Ano'ng tinatago mo sa akin, Ann?" narining niyang tanong ni Sam halos kasunod lang ng pagbukas ni Ann ng pinto. Hindi man lang iyon alintana ni Clifford at lalo pang naging mapusok sa paghalik sa kanya.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon