IPR - 22

192 6 0
                                    

  Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay namataan ni Devon si Ann na naliligo sa pool. Nagmamadaling nagpalit siya ng swimsuit. Pinatungan lang niya ito ng roba, humablot ng isang twalya at lumabas na siya ng silid niya.

    "Good morning, Ann. It's hot. Masarap magbabada sa tubig, diba?? Can I join you?"

    As usual, may takot na lumarawan sa mukha nito. Naisip niyang ganoon talaga ang mga taong guilty.

    "S-sige. Ikaw naman. Anyway, kanina pa ako." Umahon na ito.

    Pinigilan niya ito sa braso. "Why are you avoiding me, Ann?? It's been five years. Matagal tayong hindi nagkita. Hindi ba dapat kumustahin mo ako?"

    "Let me go, Devon. May lakad pa ako."

    "Come on, Ann. Bakit hindi mo aminin na kaya ka umiiwas ay dahil natatakot ka ha?? Bakit?? Natatakot ka bang malaman ni Samuel na palabas mo lamang ang eksena sa kwarto ni Clifford limang taon na nag nakalipas?? Don't worry, wala akong planong ipagtapat sa kanya iyon. Anyway, malaki ang tiwala niya sayo. Mas kapani-paniwala ka para sa kanya. So be it. Pero hindi kita titigilan hanggang narito ako. Hanggang ikaw mismo ang magtapat ng kasalanan mo."

    "Stop it, will you?!" sigaw nito.

    "Anong kaguluhan 'to?" tanong ni Samuel na hindi nila namalayan ang paglapit.

    "Ask your dearest cousin. Anyway, tiyak naman akong maniniwala ka sa anumang sasabihin niya." sagot niya.

    Tumingin ito kay Ann.

    "Ahm, Samuel, I have to go. May lakad ako ngayon." paiwas na sabi ni Ann.

    "Stay here for awhile. Magpaliwanag ka. Ano'ng nangyari dito?" tanong nito.

    Iniwan niya ang mga ito. Bahala na si Ann kung anuman ang sasabihin nito kay Samuel. Wala na siyang pakialam. Tutal, salita lang naman ni Ann ang pinaniniwalaan nito.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon