IPR - 17

179 6 1
                                    

 Five years later.

Hindi akalain ni Devon na muli silang magkikita ni Tita Carmela at sa consultancy firm na pinapasukan pa niya.

    "Devon?? Ikaw nga ba iyan??" tanong nito. Halos walang ipinagbago ito maliban sa kaunting linyang nadagdag sa paligid ng mga mata nito.

    "Tita Carmela!" gulat ding sambit niya. "Kumusta na po?? May sadya po ba kayo?? What can I do for you, tita??"

    "Kailangang namin sa aming kompanya ng consultant's service. Hindi ko naman akalain na ikaw pala ang sinasabi nilang magaling na consultant. Kaya pala dito ako pinadpad ng mga paa ko. We've been looking for you for a long time, hija," malambing na sabi nito. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa at bahagyang pinisil.

    May humaplos na kalungkutan sa puso niya. Sa loob ng limang taong lumipas ay hindi kailanman nawala ang kirot na idinulot na kanyang kahapon. Kung tutuusin ay dapat niyang pasaamatan ang nangyari sa kanya noon. Dahil doon ay nagkalakas-loob siyang harapin ang buong tatag at tapang ang mga hirap at pagsubok makapagtapos lang siya ng pag-aaral. Matagumpay naman niyang nagawa iyon.

    "Bakit naman ninyo ako hinahanap, tita??" tanong niya.

    "Sa palagay ko, hija, ay mas mabuting pag-usapan natin ito sa isang restaurant. Gutom na rin kasi ako. Gusto sana kitang makasalo sa tanghaliaan," nakangiting sabi nito.

    Pinagbiyan niya ito. Anyway, sa lahat ng tao sa mansiyon ay it lamang at si Daddy Julius ang alam niyang nagmahal sa kanya ng totoo.

    "Hija, noong nalaman namin ni Julius ang pangyayari ayon sa salaysay ni Ann, alam kong hindi iyon totoo. Lalo na ng mabasa ko ang sulat mo. Ipinabasa ko iyon kay Julius. Mas naniwala siya sayo pero pinanindigan ni Ann ang kasinungalingan niya."

    "Nakita ko rin kung paano pinagdusahan ni Samuel ang pagkakalayo ninyo. Naalipin lamang siya ng matinding hinanakit at pagdarandam dahil sa pagaakalang sumira ka sa pangako mo." paliwanag nito. "Now tell me the truth. Ano ba ang totoong nangyari, hija?? You deserve to be heard."

    "Tama ka, Tita. I really deserve to be heard but I was deprived of such right. Forget about it, tita. It's useless. It's too late. The damage has been done."

    "Hija, kahit hindi na para kay Samuel. Kahit para sa akin na lang. Gusto kong marinig ang totoong pangyayari," pagsusumamo nito.

    Humugot siya ng malalim na hininga. "Ayaw ko na po sanag ungkatin pa ito. Ayaw ko na rin po sanang balikan pa. Matagal ko na itong ibinaon sa limot pero alang-alang sa inyo, tita, muli kong sasariwain..." At isinalaysay niya rito ang buong pangyayari noong huling gabi niya sa mansiyon.

    "Sinasabi ko na nga ba. Talagang walanghiya ang babaeng iyon. At si Samuel naman, kay dali niyang naniwala," sabi nito pagkatapos marinig ang kwento niya. "Hija, kung kukunin kitang consultant, nakahanda ka bang muling makaharap sila??"

    Tumingin siya rito ng tuwid. "Yes, Tita. Wala naman akong dapat ikahiya o ikatakot sa kanino man sa kanila. Higit kanino man, si Ann ang dapat mahiya o matakot sa muling paghaharap namin."

    "Good. Pagkatapos ng meeting ng board of directors ng kompanya, babalik ako para papirmahin ka ng kontrata. Ikaw ang gusto kong maging consultant ng isang malaking project ng kompanya. Natitiyak kong hindi tututol si Julius."

    "Paano po kung tumutol si S-Samuel??"

    "Si Julius pa rin ang CEO at presidente ng kompanya. Member lamang ng board si Samuel. Kung okay sa majority ng board, wala naman siyang magagawa doon." sabi nito.

    "Sige po, Tita. Nami-miss ko na rin po si Daddy. Kamusta na po siya??"

    "He's ailing, Hija. May diabetes at nagka-komplikasyon siya sa puso. Malakas lamang ang determinasyon niya kaya dapat patuloy siyang lumaban. At isa ka sa mga dahilan kung bakit ayaw pa niyang mamatay. Gusto niyang muli kayong magkaharap. He misses you, hija. Tungkol naman kay Samuel, kahit hindi mo itinatanong, sa loob ng limang taon ay hindi siya nagkaroon ng relasyon sa ibang babae."

    "Malay n'yo naman, Tita??" matabang na sagot niya.

    "Nakikita ng mga mata ko, Devon. Hindi ka pa lubusang nakakalimutan ng pamangkin ko."

    Hindi na siya kumibo.

                                        ***---***---***---***---***---***---***

Pagkaraan nga ng isang linggo ay nagbalik si Tita Carmela para sunduin si Devon. Isa sa mga pribilehiyong ibinigay sa kanya ni Daddy Julius ay ang pagtira sa mansiyon. Tinaggap niya iyon. Pagkakataon na niya upang muling makita si Ann. Panahon na para magtuos sila.

    Ang ipinag-aalala lang niya ay kung makakaya niyang muling makaharap si Samuel?? Hindi niya tiyaka ang kasagutan. Sa kabila ng paglipas ng mga taon, alam niyang nanatili ito sa lugar sa puso niya. Marami siyang naging manliligaw, mga lalaking may nga katangian ding katulad ng taglay ni Samuel, nakakahigit pa nga ang iba, ngunit isa man sa mga iyon ay walang nagtagumpay na maangkin ang lugar ni Samuel sa puso niya.

    After all those years, hindi ka nawala rito sa puso ko, Samuel. Sa kabila ng sugat na nilikha mo s puso ko ay hindi ka nabura kailanman. Bakit??

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon