IPR - 19

172 7 2
                                    

Kinagabihan, wala pang alas-siyete ay naroon na si James. Pinag-aralan ni Devin ang ayos nito. Gwapo ito, maganda magdala ng damit, at matangkad ito kumpara sa kanya. Pero hindi kasinlakas ng dating ni Sam sa kanya ang dating nito.

    "Shall we go??" nakangiting tanong niya rito. Sinadya niyang huwag sulyapan si Sam na nakaupo sa isang pang-isahang sofa ng lingunin niya sina Daddy Julius at Tita Carmela para magpaalam.

    "Okay, take care and enjoy your date." sabi ni Daddy Julius.

    Pagkatapos nilang maghapunan ni James ay nagyaya na agad siyang umuwi. Idinahilan na lamang niyang masakit ang kanyang ulo.

    Inihatid siya nito sa mansiyon ngunit hindi na ito bumaba ng sasakyan dahil obvious naman na gusto na niyang magpahinga.

    Naabutan niyang may kausap na babae si Samuel sa teresa. Maganda ito at mukhang liberated. Pakiramdam niya tuloy ay may tumusok na isang matalim na sibat sa kanyang puso ng makita niyang nakayakap ito sa baywang ni Sam habang nakatayo ang mga ito at nagmamasid sa paligid.

    Bago siya tuluyang makapasok sa mansiyon ay narining pa niya ang sinabi nito. "Darling, wala pa ba sa plano mo ang pag-aasawa?? You're already twenty-six and I'm twenty-five. We're not getting any younger."

    Nilakian niya ang paghakbang. ayaw niyang marinig ang sagot ni Sam. Baka hindi niya kayanin at umatungal siya ng iyak. Hindi nito dapat malaman na siya ang talunan sa laban na ito. Na siya ang may pusong hanggang ng mga sandaling iyon ay nasasaktan dahil patuloy itong nagmamahal dito.

    Pero siya lang ba ang nasasaktan?? Ang sabi ni Tita Carmela ay matagal na daw walang girlfriend si Sam. Nang sabihin lang daw nito at ni Daddy Julius ang tungkol sa pagbabalik niya sa mansiyon saka bigla itong nagkaroon ng girlfriend.

    Sa sala ay naabutan niya si Ann na nanonood ng telebisyon. Pagkakita sa kanya ay nagmamadaling pinatay nito ang TV at saka tumayo.

    "Ann, bakit aalis ka na?? Hindi mo ba matagalan ang presensiya ko?? Gusto ko pa naman sanang makakwentuhan ka. Gusto kong malaman kung nakakatulog ka pa ng mahimbing." Malambing na pagkakasabi niya.

    "Pagod ako. Aakyat na ako sa kwarto ko." Nagmamadaling tinungo nito ang hagdan.

    Sinundan niya ito ng tingin. May araw ka rin, Ann. Kailangan ayusin mo ang gusot na ginawa mo sa buhay ko, mabuo ko man lang kahit ang winasak mo, hindi na para kay Samuel kundi alang-alang sa sarili ko.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon