IPR - 13

226 7 3
                                    

A/N: Hi po my dear readers :) alam ko may mga nababasa nito, sana naman po mag comment at vote din po kayo. Even if I don't deserve it kasi d naman ako ang author tlga nito pero para pampagana sa pag post at edit lng hihi. It's not to much to ask naman po siguro dba? Para naman malaman ko if nagustuhan nyo ba 'tong story. Madami-dami ng reads pero ni isang comment at vote waley >:( nakaka disappoint lng T.T 

Anyway, here's another chapter. I promise that the next fanfic that I'll post it in here ay yung gawa ko na talaga. Para nman if maganda o pangit man ang story at least I deserve all the criticism. 

CIAO!  

          -.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Nagbalik ang pagkainis ni Devon ng kumakain na sila ng tanghalian. Hindi man lang kasi nahiya si Clifford na iakia ng harap-harapan ang waring pagkakaroon nito ng interes sa kanya. Nakikipag-unahan pa ito kay Samuel sa pag-aabot ng pagkain sa kanya. Kitang-kita niya ang pagka-offend ni Samuel. Halatang nagpipigil lamang ito ng galit sa lalaki alang-alang kay Ann. Nahagip ng paningin niya ang pagngiti ni Ann.

    Ginabi na sa mansiyon si samuel. Para sa kanya, patunay iyon na nakakaramdam a rin ito ng selos kay Clifford. Halata naman kasing napipilitan lang itong pahiharaan ang huli. Kung tutuusin, siya man ay ayaw ring kausap si Clifford ngunit kailangan niyang gawin iyon alang-alang sa pakikisama kay Ann.

    "Hindi ka ba naiinip sa pad mo, Sam?? Nag-iisa ka roon. Ano kaya't doon ako matulog ngayon para may makasama ka naman??" suhestiyon ni Ann.

    "Hindi na kailangan. Besides, isa lang ang kwarto doon, ayokongg makatabi ka sa pagtulog dahil ang alam ko nagwiwiwi ka pa sa higaan," biro nito.

    "Ano?! Grabe ka naman. I admit totoong nagwiwiwi ako pero noon pa iyon. Noong nasa elementary pa ako."

    "Aminin na kasi," dagdag na biro ni Clifford.

    "Isa ka pa Clifford. Baka gusto mong ibuking kita kay Devon. Devs, alam mo bang sinabi niya sa akin kanina na type na type ka niya at balak ka niyang ligawan??"

    Biglang tumalim ang tingin ni Sam. Waring hindi naman naapektuhan ng rebelasyon si Clifford. Patuloy lang ito sa walang kurap na pagtitig sa kanya. Nag-alala tuloy siya sa maaring magawa ni Samuel dahil doon.

    Tumayo siya at inakay ang nobyo niya palayo kina Clifford at Ann. "Ahm, Samuel, g-gabi na. Mahirap masyadong magpagabi sa daan. Nag-iisa ka pa naman," pagtataboy niya sa nobyo para makaiwas sa gulong maaring magsimula sa pagitan ng dalawang binata.

    "Bakit?? Ayaw mo na ba sa presensiya ko?? Do you want me to go in exchange for someone else's presence??" may himig pagtatampong tanong nito.

    "Please Samuel. Nag-aalala lang naman ako para sa kaligtasan mo," pakiusap niya.

    "Sige na nga, aalis na ako. Masama ang tama sa iyo ng pinsan ni Ann. Please, sweetheart, avoid him."

    "Oo. Halika ka na." Sinamahan niya ito sa pinagparadahan nito ng kotse nito. "Goodnight na. Take care," sabi niya ng marating nila iyon.

    "Kiss muna."

    "Sige na nga." Tumingkayad siya at hinalikan ito sa mga labi. Muli ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Talagang may kapangyaring taglay pra sa kanya ang mga halik ni Samuel. Bago tuluyang muling madala ay itinulak niya ito. "O, awat na. Baka kung saan na naman tayo mapunta," natatawang sabi niya.

    Pinisil nito ang baba niya. "Nakakagigil ka kasi, sweetheart. sige, aalis na ako. Baka kapag hindi pa ako umalis, hindi ako maawat kahit magpadala pa ng American troop dito si Obama."

    "OA mo talaga." Natatawang itinulak na niya ito papasok ng kotse.

    Nang magbalik siya sa sala ay wala na sila Ann at Clifford doon. Pumanhik na siya sa itaas. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Ann.

    "O Ann, bakit hindi ka pa matulog??" tanong niya ng lumabas ito.

    "Hinihintay talaga kita Devon. Pasensiya ka na sa pinsan ko ha??"

    "Okay lang. Wala kang dapat ihingi ng pasensiya." Ang pinsan mo ang dapat humingi ng pasensiya sa akin. Ang presku-presko niya.

    "Thank you. Pero may ipapakiusap sana ako sa iyo, devs. Mapagbibigyan mo kaya ako??"

    "Ano yon?? Basta't kaya ko, why not??"

    "May sakit kasi si Clifford. Iyon ang dahilan kaya pinayagan siyang magbakasyon dito ng parents niya. Mahina ang puso niya at bawal sa kanya ang sumama ang loob. Bukod doon ay epileptic pa siya."

    "Really??" hindi makapaniwalang tanong niya.

    "Oo. Kaya nga ipapakiusap ko sana sa iyong pakisamahan mo sana siya ng mabuti. Gusto ka niya Devon."

    "kung pakikisama bilang kaibigan ang hihingin mo sa akin, pwede kitang pagbigyan Ann. Pero kung hihigit pa roon, indi pwede. Alam mong boyfriend ko si Samuel."

    "Alam ko. Iyon lang naman ang ipinapakiusap ko sayo. Ang pakiharapan mo naman siya ng mabuti kahit bilang kaibigan para hindi naman siya masyadong masaktan."

    "Honestly, Ann, hindi ko talaga siya gusto. Ewan ko kung bakit. Pero dahil sa pakiusap mo, I'll try to be a good friend to him."

   "Thank you" sabi nito. "Sige, babalik na ako sa room ko. Good night."

    "Goodnight."

                                          ***----***---***---***---***----***---***

Sinikap nga ni Devon na pakiharapan ng maganda si Clifford ng mga sumunod na araw kahit obvious na nagseselos dito si Samuel. Sinabi na lang niya sa kasintahan na ginagawa niya iyon dahil bisita nila si Clifford at pinsan ito ni Ann. Pero sa kaibuturan niya ay hindi niya magawang ilapit dito ang kalooban niya. Naiinis kasi siya sa madalas na waring pagte-take advantage ni Clifford sa kanya. Naroong kunwari ay hindi sinasadyang nabubunggo siya nito at kung anu-ano pa.

    "Sweetheart, huwag mo ako ipagpapalit sa iba, ha?? Kahit sa mga lalaking kasing gwapo ni Clifford," sabi ni Sam ng maging bisita niya ito ng araw na iyon. Nasa sala sila. Wala ang magpinsan. Namili ito ng mga personal needs ni Clifford.

    "Bakit?? mas gwapo ka naman doon, no! Besides, hindi naman ang physical attributes lang ng tao ang mahalaga. Mas mahalaga ang pagkatao at igit sa lahat, mas mahalaga ang sinasabi ng puso ko," sabi niya. Hindi niya akalaing nai-insecure din pala ang mga katulad ni Sam na halos narito na ang laat ng katangiang hinahanap ng isang babae. Kunsabagay, gwapo nga si Clifford pero hindi niya type ang mga kagwapuhang mukhang busko.

    Kinabig siya ni Sam at hinalikan sa noo. "Aasahan ko ang katapatan ng pangako mo,sweetheart. Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin."

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon