IPR - 11

262 5 0
                                    

    Pagkatapos nilang pagsaluhan ang almusal kinabukasan, hindi inaasahan ni Devon ang paghingi ng tawad ni Ann sa kanya at kaharap pa sina Daddy Julius, Tita Carmela at Samuel.

    "Devon, I'm sorry. Mali nga ang sinabi ko sayo kahapon. Mali nga ang iniisip ko. Nakapag-isip-isip  na ako kagabi. Hindi ko nga pala dapat pinanghihimasukan ang ganoong kapersonal na bagay. Besides, naniniwala na ako kay Samuel na iba ka nga. Pasensiya na ha??" malambing ang paraan ng pagkakasabi nito.

    Kahit parang ayaw tanggapin ng kalooban niya na seryoso at sinsero ito sa sinasabi, pinilit niyang paniwalaan iyon. Kung ganitong nagpapakumbaba ito, sino ba siya para magmalaki?? kahit ibinubulong ng isang bahagi ng kanyang utak na mag-iingat siya rito at hindi dapat kalimutang ang huling sinabi nito sa kanya ng nagdaang gabi, nanaig pa rin ang pagpapatawad sa puso niya.

    "Okay lang, Ann. Kalimutan mo na iyon. Nauunawaan kita kung bakit mo nasabi iyon kahapon," nakangiting sabi niya.

    Sukat doon ay nilyakap siya nito ng mahigpit. Nakatalikod ito kina Daddy Julius at Samuel. Siya ang nakaharap sa mag-ama at kay tita Carmela. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mga mata ng mag-ama, maliban kay tita Carmela na mukhang hindi kumbinsido.

    Pagkatapos nilang kumawala sa isa't-isa ni Ann ay si Daddy Julius naman ang niyakap nito. "Dad, I'm sorry. Nasagot kita kahapon. Hinda na mauulit iyon, promise."

    Hinaplos ni Daddy Julius ang ulo nito. "Alam ko namang hindi likas sayo ang pagiging barumbado, hija. Okay lang iyon. Lagi naman kitang nauunawaan."

    "Thank you, Daddy," sabi ni Ann. Pagkatapos ay lumapit ito kay Samuel at niyakap din ito.

    Ayaw niyang magduda ngunit mas mahigpit ang yakap na ibinigay nito kay Samuel kesa kay Daddy Julius.

    "Samuel, I'm sorry. Promise, I will be a good girl from now on. Hindi na ako magiging sakit ng ulo ninyo ni Daddy. Tanggap ko na kayo ni Devon," sabi nito.

Tinapik-tapik ni Samuel ang likod nito. "Attagirl. Alam ko namang hindi ka likas na mataray. Kaya nga love na love kita eh."

                                                              ***---***---***---***---***---***---***

Inalis na ni Devon ng tuluyan sa isip ang anumang pagdududa sa katapatan ng pakikipagkasundo sa kanya ni Ann. Naging maganda naman kasi ang pakikitungo nito sa kanya mula noon.

    Gaya ng napagkasunduan ng mag-amang Samuel at Daddy Julius, lumipat na sa isang condo unit ang binata. Mananatili ang ganoong set-up hangga't hindi pa sila nakakatapos ng pag-aaral at hindi pa ikinakasal. Kapag walang pasok sa school ay maghapon itong nagbababad sa mansiyon para makasama siya o hindi kaya ay namamasyal sila.

    Mukhang naka-recover na talaga si Ann dahil minsan ay naabutan niya itong may kausap na lalaki sa labas ng bakuran ng mansiyon. Agad na napansin niya ang waring pagkagulat sa mukha ni Ann ng maabutan niyang nakikipag-usap ito sa lalaki. Bago pa niya makita ang itsura ng lalaki ay nakatalikod na ito at naglakad na palayo.

Sa kabila niyon ay napangiti siya ng lihim. Mukhang nakatagpo na si Ann ng lalaking mamahalin. At least, baka sa ganoong paraan ay tuluyan ng mabura ang pagtingin nito para kay Samuel.

Ngunit hindi niya inungkat kanino man ang tungkol sa nalaman niya. Si Ann, higit kanino man ang dapat magtapat sa mag-ama ng tungkol sa bagay na iyon.

    Ang mahalaga, maligaya siya ngayon sa relasyon nila ni Samuel. Mapagmahal at thoughtful ito. Bawat ginagawa nito ay nagpapatunay ng pagmamahal nito para sa kanya. Kagaya ng araw na iyon na nasa likod-bahay sila at nakaupo paharap sa lagoon.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon