IPR - 21

180 5 1
                                    

Matagal ng nakaalis si James ay nanatiling nakaupo sa sofa si Devon. Kung ang isip niya ang pagaganahin niya, James was a good catch and a real husband material. Mabait ito, gentleman, caring, at sa loob ng maikling panahon ng kanilang pagkakakilala ay nakita niyang responsableng tao ito. Ngunit tumatanggi ang kanyang puso. Pilitin man niya ay hindi pa rin niya ito magawang mahalin.

    Tumayo na siya para umakyak na sa kanyang silid. Nagulat pa siya ng makita niya si Samuel sa bar area. Mag-isang nagiinom ito. Mukhang lasing na lasing na ito. Sa pagkakaalam niya, hindi ito sanay uminom ng marami kaya madali lang itong nalalasing.

    Nakatulog ito sa pagkakasandal sa counter. Hindi siya nakatiis at nilapitan ito para gisingin.

    Maingat na inalalayan niya ito para madala sa sofa. Habang naglalakad ay pabulong-bulong ito. Nananaginip na marahil ito.

    Pinahiga niya ito sa sofa ng makarating sila doon. Pinaunan niya ito sa mga isinalansan niyang throw pillows. Muling bumuka ang bibig nito at bumulong.

    "Devon.... Devon...."

    Tama ba ang naririnig niya?? Pangalan niya ba ang binibigkas nito?? Ganoon na ba kalaki ang galit nito sa kanya na dala-dala nito hanggang sa pagtulog??

   Pagkatapos masigurong maayos na ang pagkakahiga nito sa sofa ay humakbang na siya para umakyat sa kanyang silid. Ngunit agad din naman siyang napahinto ng marinig ang boses nito.

    "Why does my heart keep on loving you, Devon?? No matter how I try, why can't I forget you?"

    Nilingon niya ito. Nakapikit ito. Totoo kaya ang narinig niya? Hindi kaya ilusyon niya lamang ang lahat dahil nasa puso pa rin niya ang pag-ibig para dito?

    "I still love you, Devon. Kahit isa kang taksil..."

    Malinaw na narinig niya iyon. Kung ganoon, katulad niya ay natatakpan lamang pala ng hinanakit at galit ang pagmamahal nito para sa kanya. At iyon ang masakit. Mahal pa rin siya nito pero dinaig ng kawalang tiwala ang pag-ibig nito.

    Marupok ka kasi, Samuel. Napakadaling nawasak ng pag-aalinlangan ang pundasyon ng pag-ibig mo. Now, we're both living in misery. Kung papairalin mo lang sana ang pag-ibig, I'm willing to forgive and forget the painful past.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon