IPR - 18

186 7 1
                                    

Sa muling pagtungtong ni devon sa mansiyon ay hindi niya napigilan ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nanginig ang mga tuhod niya hindi sa takot kundi sa hindi maipaliwanag na damdamin, lalo na ng masalubong ng mga mata niya nanunuring titig ni Samuel na inabutan nilang nakaupo sa sala. May mga kaharap itong bisita. Naka-business suits ang mga ito.

    Sa tingin niya ay lalo pang pinatingkad ng mga lumipas na panahon ang kakisigan nito. Oo nga at medyo nag-mature ang itsura nito ngunit iyon ang nagdagdag ng aura ng pagiging lalaking-lalaki nito.

    Sa isang upuan ay nakita niyang tumayo si Daddy Julius na malaki ang inihulog ng katawan. Wala na ang dating tindig nito. Epekto marahil iyon ng karamdaman nito.

    "Devon, hija. Kumusta?? Lalo kang gumanda, anak. I missed you. Ipinahanap kita noon pero hindi ka namin nakita. Where have you been, hija?" Kung ibabase sa tinig nito, mukhang nasabik nga ito sa kanya.

    Niyakap niya ito at hinalikan ang pisngi. "Heto po, Daddy, Nakatayo pa rin. Pinatibay at pinalakas ako ng mga pagsubok sa buhay. I was granded a scholarship and a privilege to study aborad, Dad. Kaya siguro hindi ninyo ako nakita noon." Sumulyap siya kay Samuel. Nakatiim-bagang ito.

    Inakbayan siya ni Daddy Julius at ipinakilala sa mga kausap ni Samuel na mga miyembro pala ng board of directors ng kompanya. Isa sa mga ito ang nagpakita agad ng interes sa kanya.

    "Hindi pala ako nagkamali sa pagsang-ayon na ikaw ang kuning consultant ng kompanya. I learned that you're a bright and intelligent consultant and I was really surprised that you're such a gorgeous, stunning woman as well, Miss Seron." Halos ayaw ng bitawan nito ang kanyang kamay.

    Sinadya niyang papungayan ito ng mga mata at nginitian ng ubod-tamis. Ramdam kasi niyang nakatingin sa kanila si Samuel. "Thank you, Mr. Reid."

    "Masyado namang pormal. Call me James." Pinalambing pa nito ang tinig.

    "Then you can also call me by my first name. It's "Devon."

    Siyang pagdating ni Ann. Halata ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito ng makita siya. Nakangiting sinalubong niya ito. Hinalikan niya pa ito sa pisngi ng malapitan niya ito. "Hello, Ann. Kumusta ka na?? You look great. Mukhang maganda ang naging buhay mo sa limang taon na hindi tayo nagkita."

    Nakita niya ang pagguhit ng takot sa mga mata nito. "I...I'm fine. Ikaw, kamusta ka na??"

    "Ano sa palagay mo?" patanong na sagot niya.

    "Y-you look gorgeous. Mukhang maganda na ang buhay mo ngayon. Mabuti naman at nakadalaw ka rito." sabi nito na nagsisimula ng makitaan ng maliliit na pawis sa noo at tungko ng ilong.

     "Hindi ako dumalaw lang. Dito na uli ako titira."

    "G-ganoon ba??" Nahimigan niya ang pagkadismaya sa tinig nito. "I-if you won't mind, aakyat na ako. Napagod kasi ako sa trabaho."

    Napag-alaman niya kay Tita Carmela na secondyear lamang ang inabot ni ann sa kursong Business Administration dahil nabarkada ito at ayaw ng mag-aral. Nakapagtrabaho lamang ito sa kompanya ng mga Concepcion dahil inobliga ni Daddy Julius. Kailangan daw kasing malaman nito kung paano kumita ng pera para matuto itong pahalagahan iyon.

    Poor girl, she thought. Dahil nasanay sa kaginhawaan, hindi ito natutong magsumikap para sa sarilingg kinabukasan. Ngayon hanggang doon na lamang ito. Umaasa lamang ito sa trabahong ipo-provide para dito ng kinalakhang pamilya at sa pamanang maaring makuha nito mula kay Daddy Julius.

    Nakaka-angat na siya rito ngayon. At sa pagkakataong iyon, hindi na siya papayag na tapakan nito ang pagkatao niya.

    Habang sinusundan niya ng tingin si Ann ay muli siyang nilapitan ni James.

    "If you won't mind, Devon, could I invite you to a dinner tonight?"

    Pasimpleng sumulyap siya kay Samuel. Nakakunot ang noo nito. "Yeah,sure."

    "I'll fetch you at seven o'clock, okay?" sabi ni James.

    "Okay."

    Nang makaalis ang mga bisita ay umakyat na si Daddy Julius sa itaas para magpahinga. Si Tita Carmela naman ay nagpunta sa kusina para i-supervise ang mga katulong sa paghahanda ng pananghalian. Naiwan sila ni Samuel sa sala. Hindi niya inaasahan g kakausapin siya nito.

    "So you could still entice anyone with your poisonous charm whenever you want." sarkastikong sabi nito.

    Hindi pa rin niya maiwasang masaktan. Ganoon na pala talaga kababa ang tingin nito sa kanya. "Yes. And I'm glad I'm gifted with this charm because I enjoy being in the company of different men," sabi niya sa kagustuhang maisalba ang nasugatang pride.

    "You don't have to stress the fact, I already know it," wika nito. "Hindi ka na sana nagbalik pa rito."

    "Sa ayaw at sagusto mo, wla kang magagawa. Ako ang pinili ng majority ng mga miyembro ng board of directors. Saka nagbalik ako para sa trabaho at hindi para sa anuman."

    "Really, huh?? Admit it, secondary lang ang tungkol sa trabaho kaya ka nagbalik. You learned about Dad's health condition. Siguro ay gusto mong maambunan ng mana sa last will and testament na ipapagawa niya."

    Matalim niya itong tinitigan. Sumugat ang sinabi nito sa kanyang puso at pagkatao. Subalit wala siyang balak magpatalo. "Kung iyan ang iniisip mo, it's your right. Ano ngayon ang pwede mong gawin kung kagustuhan mismo ni daddy na magkaroon ako ng bahagi sa kayamanang iiwan niya?"

    "Hindi ka karapat-dapat makakuha ng kahit isang kusing sa kayamanang pinaghirapang ipundar ng pamilya ko. Hindi ka isang Concepcion at hindi ka magiging Concepcion kailanman." mariing sabi nito.

    "Hindi nga ako isang Concepcion at lalong hindi ko hinahangad na maging isang Concepcion." nakataas ang noong sabi niya. "Mas gugstuhin ko pang maging isang Reid." Sinadya niyang gamitin ang apelyido ni James para lalong inisin si Samuel.

    "Huwag kang mag-ilusyon. James is a certified playboy. Hindi siya nagseryoso kailanman sa isang babae. At malayong magseryoso siya sa isang katulad mo."

    "Really?? Don't belittle my charm, Samuel. I could prove you wrong, you know. Wanna bet??" hamon niya.

    "Talaga palang ganyan lamang kababa ang tingin mo sa damdamin ng iba. Isa lamang sugal na dapat pagpustahan."

    "Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin, I don't care. Ang mahalaga ay masaya ako sa ginagawa ko." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Hindi na niya kayang tagalan ang tensiyon sa pagitan nila. Parang sasabog ang dibdin niya.

    Dinala siya ng kanyang mga paa sa lagoon na paborito nilang tagpuan noon ni Samuel. Kumirot ang kanyang puso pagkakita sa lugar. At namalayan na lamang niyang lumuluha siya. Mabilis na pinunasan niya iyon ng panyo. Hindi dapat makita nino man, lalo na si samuel, na iniiyakan pa rin niya ang alaala nitong hinidi na maari pang madugtungan dahil wala ng pag-ibig ito sa kanya. Dahil galit pa rin ito sa kanya.

--------------------------------------------------------------------------------------

A/N: naku! intense yung sagutan nang dalawa ah! HAHAHAHA patay ka ngayon Ann!

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon