IPR - 6

265 7 0
                                    

Pagkatapos mag-dinner nina Devon at Samuel ay nagtungo sila sa breakwater. Pinanood nila ang reflection ng buwan sa dagat.

    "Alam mo, tuwing kabilugan ng buwan, naaalala ko ang mommy ko," sabi ni Samuel.

    "Bakit??" tanong ni Devon dito.

    "Full moon nang mamatay siya. Namasyal kaming tatlo nina Daddy at pinagmamasdan ang buwan ng bigla itong inatake sa puso. She died on the spot. Our only consolation was the fact that she died in my father's arms wearing a smile. Mon died happy because dad was a very loving husband to her." paliwanag nito.

    "I see. Namatay naman sa ibang bansa ang nanay ko. Nag-abroad siya two years ago para daw sa future ko. Kaya lang, hindi siya pinalad. Abusado ang kanyang among Arabo. Minaltrato siya nito. Nang umuwi siya dito sa Pinas isa na siyang malamig na bangkay."

    "Pareho palang binawi agad ng kapalaran ang mga ina natin. Anyway, we're still both blessed. Naiwan tayo sa kalinga ng mabubuti at hindi pabayang mga ama."

    "Yes. But sad to say, binawi rin sa akin ang tatay ko," sabi niya na may kirot sa dibdib sa alaala ng ama.

    Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil. Nagdulot ng ginhawa sa kanya ang init ng palad nito. "Cheer up, you still have us with you. Hindi ka namin pababyaan."

    Napaluha siya sa sinabi nito. pinahid nito ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

    "Don't cry, please." pabulong na sabi nito sabay kabig sa kanya para ikulong sa mga bisig nito. "Promise, no matter what happens, we will always be at your side, lalung-lalo na ako."

    Kay sarap pakinggan ng pangako nito at kay sarap palang makulong sa mga bisig nito. Hinayaan niyang mag-stay sila sa ganoong ayos nang ilang minuto. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kung maaari lang ay ayaw na niyang matapos iyon.

    Pero naalala niyang hindi siya dapat umasa. Hindi niay dapat bigyang ng ibang kahulugan ang pangako at pag-alo nito sa kanya. She was just a little sister for him, nothing more.

    Sa naisip ay parang biglang napasong kumalas siya sa yakap nito. "Umuwi na tayo, Samuel. Napagod ako sa audition kanina. Gusto kong magpahinga ng maaga."

    "Ang akala ko, gusto mo munang mag-relax?? Pero kung pagod ka na, umuwi na tayo. Pero sana, hindi ito ang maging una at huling pagkakataon na makasama kita sa pamamasyal na tayong dalawa lang."

    Parang gusto niyang magsisi. Parang gusto niyang bawiin ang sianbi niya. Sa totoo lang, hanggang maaari nga lang ay gusto niyang magkasama sila laging dalawa.

    kaya lang natatakot siya. takot na baka lalong lumalim ang damdaming alam niyang sumibol na sa kanyang puso para dito. Hindi niya alam kung magakakaroon ng katugon iyon.

    "Kung gusto mong dito muna, di sige."  matamlay nyang sabi

    "Talaga?? Kaya mo pa ba?? I mean, okay lang ba sayo?? Sabi mo nga, pagod ka."

    "Kung ayaw mo, di halika na." naiinis niyang sabi rito. Nagtatanong pa kasi, piping maktol niya.

    Mabilis na nahwakan nito ang kanyang braso. "Please stay," pakiusap nito.

    Sa muling pagdidikit ng kanilang balat ay para bang may kuryenteng dumaloy sa kanyang braso patungo sa bawat parte ng kanyang katawan.

    Ipiniling niya ang kanyang ulo. "M-maupo tayo," bhagyang nabulol na sabi niya.

    Tumabi ito sa kanya ng umupo siya sa gilid ng breakwater.

    "Devon, may gusto sana akong itanong sayo."

    "Ano 'yon??"

    "Nahalikan ka na ba??"

    Bigla siyang napalingon dito. Namumungay ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Ano ba namang tanong yan?? Of course not. Paano ako mahahalikan ?? Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend, diba??" mataray na sagot niya para mapagtakpan ang nadaramang kaba.

    "Maswerte ang lalaking unang makakatikim ng mga labi mo." nakatutok ang mga mata nito sa kanyang mga labi  habang sinasabi ang mga katagang iyon kaya naman namula ang kanyang pisngi.

    "Ikaw ha, personal na yan. Labas ka na r'on."

    "Pero iyan ang tanong na matagal ko ng gustong itanong sayo mula ng una kitang nakita."

    "At bakit ganyan ka na lang ka-curious??"

    "Dahil..." Bumuntong hininga ito.

    "Dahil??" ulit niya.

    "Dahil... Ah, paano ko nga ba sisimulan?? Ang hirap pala." kakamot-kamot sa ulong sabi nito.

    "Ano ang mahirap??" natatawang tanong niya rito.

    "Totoo palang mahirap magsalita sa harap ng babaeng... ng babaeng..."  nauutal na sabi ni Samuel

    "Ng babaeng ano?? kompletuhin mo kaya ang sentence mo para hindi ako naguguluhan, " utos niya.

    Huminga ito ng malalim. "Gaya ng sabi ko, wala ako experince sa panliligaw. Hindi ko naman kasi niligawan ang mga naging girlfriends ko. Diba sabi ko pa nga, when it comes to the woman I love, I'll treat her differently dahil gusto kong ligawan ko siya. Gusto kong masabi ko sa kanya ang damdamin ko bago maging kami. Pero mahirap pala. Para palang dinadaga ang dibdib ko. Ganito pala ung feeling nun." Tumawa ito ng pagak.

    Nakatingin lamang siya rito. Parang nahuhlaan niya na kung ano ang gustong sabihin nito. At isipin pa lang niya iyon ay para na siyang hihmatayin.

    Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Devon, huwag mo sanang isipin na sinasamantala ko ang pagkakataon. Actually, ayoko sana gawin ito dahil baka isipin mong nagte-take advantage ako komo nasa poder ka namin. kaya lang, mahirap pala talaga labanan ang sinasabi nito." Itinuro nito ang tapat ng kanyang kaliwang dibdib. "Devon, I love you. Ikaw pa lang ang pinagukulan ko ng ganitong damdamin, maniwala ka."

I love you??? teka teka ..... whuuuuuut? 

    Hindi siya nakakibo. Gising pa ba siya?? Totoo ba ang nangyayari sa kanya o isa lamang itong panaginip??

o.O

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon