IPR - 9

252 4 0
                                    

    Anim na buwan ng masugid na nanliligaw si Samuel kay Devon. Talagang tinikis niya ang kanyang sarili kahit halos mabaliw na rin siya sa pagkainip na maramdaman kung paano maging girlfriend ng isang Samuel Concepcion.

    Sa loob ng anim na buwan ay maraming paraang ginawa ito para patunayang ang kanyang katapatan para sa kanya. Nirespeto din nito ang desisyon niya at matiyagang itong naghintay kung kailan niya ibibigay ang kasagutang matagal na nitong hinihintay.

    Sa tingin niya. iyon ang lalong ikinakasama ng loob ni Ann. Bilang ganti sa inaakala nitong pagwawalang-bahala rito ni Samuel, nabarkadda ito at madalas na nagpapalipas ng oras kasama ang mga kaibigang hindi maganda ang records sa school nila.

    Doon niya nakita kung gaano kalaki ang pagmamahal in Samuel dito. Sa kabila ng lahat ay nanatiling inuunawa nito si Ann. Sa tingin niya, kung may tao mang pinakahuling itatapon si Samuel, siguro ay si Ann iyon. Hindi tuloy niya maiwasan ang magselos paminsan.

    Ngunit saglit lang iyon at nawawala agad pag nagpapakita ng thoughtfulness si Samuel. Minsan ay inabot siya ng alas-otso ng gabi sa practice nila ng sayaw ay matiyagang nag-antay sa kanya si Samuel. Pasado alas-otso na nga gabi nang lumabas siya sa school. Malakas na lalakas ang ulan na sinasabayan pa ng kulog at kidlat.

    Maagap na sinalubong siya nito ng malaking payong na dala nito. "Halika na Devon. sumukob ka na dito.  Bilisan natin ng hindi tayo abutan ng paglalim ng tubig sa daan."

    Habang mabilis na tinatahak nila ang pathway patungo sa parking lot, halos yakapin na niya ito para lang hindi mabasa ng malakas na ulan. Nang mkaupo na sila sa loob ng sasakyan, sa halip na paandarin na ang makina ay kumuha muna ito ng towelette at pinatuyo ang nabasang braso niya. Saka lang nito pinaandar ang sasakyan.

    Tumingin siya sa bintana. Unti-unti ng tumataas ang level ng tuibg sa kalsada. Iyon ang pangunahing problema sa Kamaynilaan. Kapag walang tigil at malakas ang buhos ng ulan, kaagad binabaha ang mga kalsada.

    Malayu-layo pa sila sa Greenhills kung saan sila nakatira nang bigla silang huminto.

    "Bakit??" nag-aalalang tanong niya.

    "Inabot na yata ng tubig-baha ang makina. Nasa alanganing lugar pa naman tayo. Malalim na ang tubig. Kung hindi titiglil ang ulan, magdamag tayong mananaliti dito."

    "Eh, di itext mo si Daddy. Low batt ba kasi ang cellphone ko eh," sabi niya.

    "Nasa backpack ni Aaron ang cellphone ko. Ipinatago ko sa kanya kanina bago kami maglaro ng basketball. Nakalimutan kung kunin sa kaya pagkatapos ng laro. Nagmamadali kasi akong puntahan ka sa school ninyo dahil nag-aalala ako sayo."

    "Paano na tayo??" nag-aalalang sabi niya.

    "Wala tayong magagawa kundi magpalipas ng magdamag dito."

    "M-matutulog tayo dito??" hindi makapaniwalang tanong niya.

    "Kung ayaw mo rito, eh, di mag-check in tayo riyan sa hotel na iyan. Magbabayad na lang ako ng isang gasoline boy na pwedeng matulog muna rito sa kotse at ihahabilin ko rin sa security guard ng hotel. Anyway, nasa tapat lang naman nila kaya pwede siguro nilang bantayan itong kotse."

    "M-magtse-check in tayo sa hotel??" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

    "We only have two options, Devon. It's either matulog lang tayong rito sa loob ng kotse or mag-check in. Mahirap namang iwan natin dito ang sasakyan. Besides, nakita mo namang punuaan ang mga jeep na dumadaan. Hindi tayo pwedeng makauwi."

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon