Twenty Nineth - Confused

638 24 3
                                    

Reyna's POV


Naglalakad lang ako sa street ng condo unit ko nang madaanan ko ang playground. Lalagpasan ko na sana yun nang bigla kong may makitang lobo. At ang lobong nasa ground na yun ay nasundan pa ng isa, at ng isa pa.


Because of curiousity, lumapit ako. Wala ng oras para hanapin pa kung sino man 'tong taong may pa-lobo-lobo effect pa dahil bigla nalang siya lumabas mula sa pagkakatago niya.


May hawak na isang red rose. "Reyna, for you." Nginitian niya ko at inaabot yung rose na hawak niya.


Tinanggap ko muna yung rose bago magsalita. "Prince, ano 'to? Para san 'to?" Nag-aalangan kong tanong.


"Reyna.." nakatingin siya sa mga mata ko. Nakikita ko sa mga mata niya na parang kinakabahan siya at sakin naman ay pagtataka. Anong nangyayari dito? ".. I like you. May I court you?"


H-he l-lik-- ano daw?! GUSTO NIYA KO?! Teka, eh kaibigan ko siya ah. Hindi pwede yun. Kay King nga, pinipigilan ko feelings ko para sakaniya pero siya, hindi niya pinigilan kung ano man yang dinaramdam niya sakin?! Diba dapat pigilan niya rin kasi magkaibigan kami eh. Magbestfriend kami tapos hindi ko alam, may gusto pala siya sakin. Jusko, paano 'to?


Hindi ko namalayang nabitawan ko pala yung rose. "E-excuse me." Sorry na kung hindi maganda yung ginawa ko pero anong magagawa ko?! Nabigla ako eh. Hindi ko naman sinasadya eh. Siya naman 'tong may kasalanan! Bigla bigla nalang magsasalita ng ganon. Wala pa naman akong experience sa mga love love na yan. Peste!


Mabilis akong naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hindi ko napapansin ang mga tao, nababangga ko na. Ewan ko ba, wala ako sa sarili. Sobra ata akong naaepktuhan. Pero baket?! Ano ba yan!


Naglakad lang ako ng naglaka-- "Ah!" Araaay! Ansaket! Sino ba naman 'tong bwiset na tumatakbo!? Ang kapal ng mukha ah! Nabunggo na nga ko at natumba hindi man lang ako tinulungan. Great!


Tinayo ko ang sarili ko at nakita nalang gasgas sa palad ko dahil tinungkod ko 'to para hindi ako tuluyang masubsob sa sahig. Tinignan ko rin ang tuhod ko at merong gasgas sa kanan at sa kaliwa naman ay sa bandang binti. Ang saya talaga.


Naglakad na ulit ako nang naglakad at tumawi--


*beep beep*


Napatalon ang puso ko maski ako sa gulat. Napapikit ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Like wtf! Muntik na ko masagasaan! Pero pagdilat ko ang nakikita ko nalang ay itim.


Teka, nasa langit na ba ko? Pero hindi. Puti ang sa langit. Ang ibig bang sabihin neto, nasa impyerno na ko?! Juskolord wag po sana.


"Hindi na kita hahayaang mawala pa ulit." Hindi ko masyadong naintindihan yung mga sinabi niya dahil nga lutang ako.


Ambilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala. Siguro dahil sa mga nangyari kanina. Isipin niyo, muntik na kong masagasaan! Pero ano nga bang nangyari matapos yung beep beep na yun?

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon