Nineth - Friendship

1.2K 57 0
                                    

King's POV



Nagmamaneho ako papunta sa sinabing condo ni Queen.



"Handa ka na bang harapin siya? Ulit?" Tanong ko sa sarili ko habang nagmamaneho.



"Oo naman! Diba King?" Tanong ko pa sa sarili ko.



"Handang handa na! Ano ka ba? Kahit biglaan 'to o pinaghandaan mo man, wala ring mangyayari. Magkikita't magkikita pa rin kayo. At sa pagkikita niyong yun ay hindi mawawala ang kaba mo." Sabi ko pa sa sarili ko.



Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Nantali akong nakapikit at sumandal sa driver's seat. Ayos lang yan, nakahinto naman ako dahil nakared yung stoplight.



*beep beep*



Nakarinig ako ng maraming busina. Ay sorry. Green na pala. Pinaandar ko na yung kotse ko. Grabe! Nabinge yata ako sa saby sabay nilang busina sakin.



Pumarada na ko dito sa Jewel Condo dahil nandito nga raw si Reyna. "Wala nang atrasan 'to brad." Sabi ko at bumaba na sa sasakyan ko.



Tinanong ko muna sa nakabantay dun kung saan yung condo unit ni Reyna Bernardo.



"Ah.. sir, sa Room 126 po. 3rd Floor." Sagot ng babae.



"Thank you." Sabi ko at sumakay na sa elevator.



Sinundan ko na ang nakahelerang mga room numbers at eto na, nasa harap na ko ng pintuan ng condo unit ni Reyna.



Teka ano bang sasabihin ko? Takte! Hindi ako mapakali. Umatras ang isang paa ko. Wala nang atrasan 'to. Binalik ko ang posisyon ng mga paa ko.



Dapat ko bang ikwento ang nakaraan? No. Hindi, hindi pwede. Mag-isip ka muna bago ka magsalita. Dahan dahan ka lang kasi baka mabigla ka.



"Bahala na si Batman. Mahal naman ako nun eh." Bulong ko sa sarili ko. Pumikit ako ng mariin.



*inhale* *exhale* one more time. *inhale* *exh--*



"Hey! What are you doing here? And diba ikaw yung kaibigan ni ate?" Sabi niya habang nakaturo sakin.



"Oo, ako nga Reyna." sagot ko. Kamukhang kamukha niya nga ang ate niya kaya napagkamalan kong siya yun. Pero, mas lalo siyang gumanda ngayon. Parang di ma-reach ng kagwapuhan ko.



"Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong niya. Kasi ex kita. Gusto ko man sabihing ganun kaso hindi pwede, bawal.



"Uhh.. kase pinakilala ka ng ate mo sakin nun. Remember? Tsaka naku-kwento ka rin niya sakin." Sagot ko nalang.



"Ah.. sige, come in." Nakangiting sabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Mabait pa rin siya. Nakalimutan niya na siguro yung sinabi ko dating "Don't talk to strangers especially boys."



"Ikaw lang talaga mag-isa dito?" Tanong ko.



"Oo, vacation lang naman ako dito eh. Then, babalik na ko sa States." Nagulat naman ako. Konting oras at panahon lang pala ang meron ako. Teka nga King, ano bang plano mo? Wala naman diba? "By the way, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo."



"Ay, sorry. King. King Padilla." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. Natawa naman siya.



"Seriously? Well, I'm Reyna." Nakangiti niyang sagot at nakipag-shake hands. "Alam mo, bagay pala kayo ni ate eh. King and Queen." What? Hindi noh. Tayo kaya ang bagay. Ok, inaamin ko, meron pa rin akong natitirang pagmamahal sayo. Hindi na nga siguro magbabago at mabubura yun kahit ako pa ang magka-amnesia.



Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon