Thirty First - The Party

636 23 0
                                    

Queen's POV

Nagkatinginan kami nang makita namin si Stephen.

No way. Don't tell me boyfriend niya si Stephen. No, kuya niya?!

"Queen! Saan kayo pupunta?" Tanong ni Lia. Hinawakan ko ang kamay ni King at hinigpitan niya naman iyon.

"Sa.. an--" magsasalita pa sana ako ng putulin niya ko.

"By the way, this is Kuya Stephen." Pagpapakilala niya at nginitian niya kami.

"Kuya?" I asked. Tinignan ko si King na nakatingin lang sa kung saan at sa tingin ko ay nakikinig lang sa usapan namin.

"Yah. He's my brother. Wait. Magkakilala ba kay--"

"No./Yes." sabay naming sagot. Hulaan niyo anong sinagot ko. Lol.

"Uhh.. I mean yes." Sagot ko nalang at umiwas ng tingin.

"So magkaibig--"

"Uhm.. Guys, sorry pero malelate na kasi kami ng girlfriend ko sa pupuntahan namin eh." Napatingin kaming lahat nang magsalita si King. Kanina pa siya tahimik eh.

"Uhh.. yes. Late na kasi kami sa party na pupuntahan namin." Pakikiride ko pero totoo naman eh. Syempre wala rin akong balak tumambay pa dito at makipagchikahan sila especially with Stephen. Seriously?!

"Party? Did you just said party?" Lia asked.

"Uh.. yes."

"Don't tell me.. omg! Pupunta kayo sa party ni Princess?!" Nagniningning ang mga mata niya habang hinihintay ang sagot ko.

Tumingin ako kay King at binigyan siya ng Yun-ba-yung-pupuntahan-natin? Look.

"Oo. Yun nga." Siya na ang sumagot kaya agad namang pumagitan samin si Lia at hinawakan ang kamay ko.

"OMG!! Sabay na tayooo!"

"Uhm.. if it's okay to King."

"Sure! Why not!" Aba um-eenglish. De joke lang, hehe.

"Let's gooo! Tara na!" Binuksan na ni King ang pinto sa shotgun para doon ako umupo pero biglang sumigaw si Lia.

"Waaaaag!" Lahat kami nagulat sa inakto niya.

"WHY?!" I asked.

"Baka mamatay ka dyan!" Ano?!

"What?!" Tanong ko pa. Anong mamatay?!

"Shotgun seat yan eh. Baka mabaril ka dyaaan!" Takte, may baliw ata kaming kasama!

"Lia! Enter the car, now." Natawa ako ng konti sa inakto ni Stephen kaya pumasok na si Lia sa kotse at sumunod na ito.

Pumasok na rin ako at umupo. Ganun din si King at nagsimula ng paandarin ang kotse niya.

Tahimik lang ang buong byahe nang magsalita si Lia. "Queen, hindi mo pa napapakilala sakin yung boyfriend mo." Tinignan ko siya sa rare mirror at nagpout siya. I glared her on the rare mirror at nginitian niya lang ako na parang nang-aasar buti nalang at sa bintana nakatingin si Stephen.

Medyo awkward para kay Stephen na ipakilala ko sa harap niya na boyfriend ko si King. Ewan ko ba. Pero hindi ko yun pinansin at nagsalita confidently. "He's King, my boyfriend."

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon