Nineteenth - Last Kiss

984 32 4
                                    

Queen's POV


"I love you, too!"


"I love you, too!"


"I love you, too!"


"I love you, too!"


Ugh! Ayaw maalis sa isipan ko ang mga salitang yan. Paulit-ulit ko nalang naririnig.


Binaon ko ang unan sa mukha ko at sumigaw. Syempre, hindi yun masyadong maririnig.


Naguguluhana ako. Ayokong mag-assume pero nagbibigay siya ng motibo. Pusang gala!


Alam kong sinabi niya lang yun ng pabiro. Sumasang-ayon ang isip ko na pabiro nga lang yun pero kumokontra yung puso ko! Peste! Ayaw niyang matanggap na pabiro lang.


Ano bang gimawa mo sakin King! Baka mailang na ko pag nakasama kita.


Pero dapat hindi ako mailang. Kakayanin ko 'to. King is a friend.


Kailangan ko ng kausap. Pupuntahan ko si Lia.


King's POV


Nagising ako dahil may yumuyugyog sakin. Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan.


"Uy bro gising! May dalaw ka!" Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.


"Dalaw? G*go! Ayusin mo, ang laswa ng dalaw eh." Rinig ko pang kontra ni Nike.


"Ay mali pala. May bisita ka." Bisita? Sino? Naglolokohan ba kami dito? Nasa bakasyon kami tas may bisita ako?


"G*go ba kayo?" Yan lang ang tanging nasabi ko.


"Siya lang. Wag mo ko isama."


"Basta bumangon ka nalang dyan para makita mo yung bisita mo." Binigyan ko sila ng seyoso-ba-kayo look.


"Oo nga. Babae." Sagot ni Nike. Bumangon na ko at tumayo.


"Kapag babae talaga, ambilis ni brader." Rinig kong bulong ni Maxx.


"Anong sabi mo?" Tanong ko pa.


"Wala, ang sabi ko buksan mo na yung pinto."


Lumapit na ko at binuksan ang pinto. Tumambad naman sakin ang isa ngang babae.


"King! Namiss kita!" Sabi niya at bigla akong hinalikan. Sakto namang bumukas ang pintuan nila Freya at niluwa nun si.. Queen ba o Reyna? I think si Queen.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon