Twenty Third - World's Bro Day pfft!

808 32 2
                                    

King's POV


"Uy! Kilala mo si Yaya Dub? Ang ganda nun noh?" rinig kong sabi ng katabi ko ditong si Maxx. Kasalukuyan kaming nasa byahe pauwe dahil dinala na nga sa ospital si Reyna sakay ng ambulansya. Kasama niya dun si Queen at Freya.


"Yun? Maganda na yun sayo?" kontra naman nitong si Nike. "Pagpapalobo yata ng labi ang alam nun eh. Buti pa si Pastillas Girl, napakaganda!"


"Tsk. Maganda ba yun, mura ng mura. Nakakaturn-off."


"Kesa naman sa yaya dub mo, napakalaki hindi lang ng labi kundi pati bunganga. Mas nakakaturn-off yun."


"Atleast sikat. Di tulad ng pastillas girl mo, nilalangaw. Hahaha!"


"Wala akong pake kung pabebe yang yaya dub mo, basta solid kapamilya ako!"


"Bakit, tinatan--"


Tinanggal ko ang shades ko dahil hindi ako makatulog dahil sa ingay ng dalawang katabi ko. "Mananahimik kayo o papatulugin niyo ko?" nanahimik sila dahil sa bigla kong pagsalita.


"Puro kayo yaya dub at pastillas girl, kilala niyo ba si Win Gatchalian?"


Nanatili ang konting katahimikan pero maya maya ay tumawa este humalakhak sila.


"Sino yun? Siguro laging panalo yun noh? HAHAHAHA!"


"Oo nga! Nakakahiya kung natalo ka tapos Win pangalan mo. HAHAHAHA!"


"May pangalan palang ganun? Siguro kaya yun yung pinangalan sakaniya kasi siguro nung pinanganak o ginawa siya, nanalo sila ng lotto. HAHAHAHA!"


nagpatuloy lang sila sa pagtawa at pag-uusap hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Di na ko nakatulog! (-_-)


Kinalabit ko 'tong katabi kong ayaw pa ring tumigil sa pagtawa. Napairap muna ako bago magsalita.


"Kain muna tayo. Sabihin mo ihinto muna dun sa Mcdo!" tinuro ko yung Mcdo na medyo naaaninag ko dahil palapit na kami dun.


"Wag na. Hindi na ba mahihintay yan?" tanong niya naman.


"I just got my period. It can't wait. Sige na, tell him to stop." pangloloko ko.


"Jackie, is that youuu?" umirap ako at umirap din siya, "Sige na nga, MANONG! MAY NASAGASAAN KANG ASO!" agad agad na hininto ni manong yung van.


"Oh, baba na." sabi niya. Aba amp!


"Pakyu!" sabi ko at pinakita pa sakaniya yung middle finger ko na nakataas.


"Pakitabi po manong sa mcdo." sabi ko kaya pinark niya naman agad yun.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon