Thirty Nineth - Their Parents..

759 21 2
                                    

King's POV

Nakaupo kami sa labas ng kwarto nilang dalawa, ako, si Freya at si Lia. Mabuti nalang at may available room na may 2 beds.

Napayuko ako at napahawak sa magkabilang sentido ko nang mag-flashback sa utak ko ang mga nangyari kanina. Kaganapang hindi inaasahan. Napakabilis ng pangyayari.

*Flashback*

"KING!" Napatingin ako sa tumawag sakin.. Reyna.. kasama niya si Queen at Freya.      

Nagmadali siyang tumakbo palapit sakin pero..    




*beep beep*    

Isang malaking truck ang sumalubong sakaniya pero ang kasunod na pangyayari ay pumikit ako.



Napapikit ako para hindi ko makita ang pangyayari. Halo-halong ingay ang narinig ko. Natatakot akong idilat ang mga mata ko. Ayokong makita. Pero nang marinig ko ang pag-iyak ni Freya at pagtawag niya sa pangalan ko, mas lalo akong kinabahan.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.      

I just saw Queen and Reyna on the floor. Si Queen ang nasa gitna ng kalsada at si Freya ay nasa may sidewalk.

I just realized what just happen. Queen tried to save Reyna. Itinulak niya si Reyna para hindi masagasaan but suddenly, it's also a wrong move.

Malakas ang impact ng truck sa pagkakabangga kay Queen kaya siguro malakas din ang impact ng pagkakatulak niya kay Reyna to the point na nabagok siya.

"AMBULANSYA! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!!" Sigaw ni Freya habang umiiyak sa tabi ni Reyna.

Agad kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko at nanginginig na tinawagan ang ambulansya pero bago pa sila sumagot ay dumating na ang ambulansya. Dapat lang. Hello, nasa airport kami.


Naunang ipinasok si Queen sa ambulansya at may isa pang dumating na ambulansya. Nauna na kaming umalis. Hawak hawak ko ang kamay niya.

Nakita kong dumilat pa siya at tumingin sakin. "Queen.." yan lang ang lumabas sa bibig ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Pinilit niyang ngumiti sakin. "King.." mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya nang pinilit niya pang magsalita makausap lang ako. "I love you." Ngumiti siya at ngumiti rin ako. Hinalikan ko ang kamay niya. "But.. Si Reyna.. She also loves you.. Just saying na.. kapag nawala na ko.. sana.. huwag kayong makonsensya.. kung magiging kayo man.. I will be happy for the two of you, either." Sabi niya nang nakangiti at tumulo ang luha niya. Yung ngiting totoo and I'm sure sincere siya sa mga sinsabi niya.



"Ssh.. Huwag mong sabihin yan. Hindi ka mamawala, okay? Hindi yun mangyayari." I assure her that.

"Thank you for everything. Thank you for having you here. Here beside me until my death. I hope I will die beside you. Just.. I want to spend my last time with you." nagpatuloy an pagtulo ng luha niya at dahan-dahang pinikit ang mga mata niya.

"I will. I will never leave you." Sagot ko at nakarating na kami sa hospital.

*End of Flashback*

Grabe yung truck na yun ah, double kill pa talaga. Kapag nakita ko talaga yung g*gong driver na yun, baka makalbo ko siya.

"Kain muna bro." Inangat ko ang ulo ko at nakitang nasa harap ko si Maxx at Nike na may dalang plastic.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon