Eighth - Feelings...?

1.3K 63 0
                                    


King's POV

Kasalukuyan kaming nagkikiller eye. Kahit tatlo lang kami, pinupush namin 'to. Kikindatan ko na sana si Nike dahil ako ang killer nang tumunog ng malakas ang cellphone ko.

"Teka, tumatawag yung kasabwat ko." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko mula sa lamesa.

"Your under arrest!" Sabi ni Nike at tinuro pa ko. Uy! Pulis pala siya.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya, si Queen. Ano namang problema neto?

Sumagot siya. "Oh anong problema mo? Sira nanaman ba yung sasakyan mo?" Tanong ko pa.

"Yung ex mo.." muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko dahil sa sinabi niya. Pero sinong ex ko ang tinutukoy niya?

"Sinong ex? At anong ginawa sayo?!" Napasigaw ako sa huling tanong niya.

"The last one, ofcourse! You said naman na yung first mo is patay na. Duh." Sabi niya pa. Oo nga, hindi niya pala alam na buhay pa rin yung ex ko na yun.

"Eh ano ngang ginawa niya?" Nanatili siyang tahimik at ako naman ay hinihintay pa ang kasagutan niya.

"She.. she.." malungkot yung boses niya kaya mas lalo akong kinabahan. "She--"

"Ate?" Nakarinig ako ng boses ng babae sa kabilang linya.

"Hello? Andyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Just tell you later. Bye."

"Tek--" at binaba niya na kagad yung telepono.

"Sino yun brad?" Tanong ni Maxx.

"Si Queen."

"Ano daw kailangan niya at napatawag siya?" Tanong pa ni Nike. Napapansin ko 'tong dalawang 'to, andaming tanong. Parang curious sa lahat at gustong malaman yung kaloob looban nun.

"Si Princess daw.." malungkot kong sagot.

"Patay na?!" Gulat na tanong ni Nike.

"G*go ang OA mo naman!" sigaw ko.

"Edi.. naaksidente?!" Gulat na tanong at inulit niya yung facial expression niya nung kanina.

"Ewan ko sainyo! Mga g*go kayo."

"Bat nasama ako?! Siya lang dapat! Leche." Reklamo ni Maxx.

"Ewan. Tara samahan niyo ko."

"Saan? Hindi pa tayo tapos magkiller eye eh!" Reklamo ni Nike.

"Puntahan natin si Queen." Sagot ko at sinuot na ang sapatos ko.

Lumabas na ko sa bahay nila Maxx at sumunod naman sila.

"Kung kelan naging pulis na ko eh." Rinig ko pang reklamo ni Nike bago siya pumasok sa kotse ko.

Queen's POV

"Ate?" Napatingin ako sa likod at nakita si Reyna.

"Just tell you later. Bye." Sabi ko kay King at binaba na ang phone ko.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya pa.

"Ah. Nothing.. Kaibigan ko lang." Tumango naman siya. "By the way, what are you doing here? Diba uuwi ka na?" Tanong ko pa.

"Ah.. Ibibigay ko lang sana 'to sayo." At tinaas niya yung paper bag niyang hawak.

"What's that?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon