Twenty Eighth - Making Him Jealous

718 23 3
                                    

King's POV

"Woooow!" Narinig ko ang pagkamangha ni Reyna nang nasa tuktok na kami ng ferris wheel. Kitang kita ang buong city. Kitang kita ang mga building na may mga ilaw at iba pa. Dati pa ko nakakita ng ganto pero iba pala sa feeling pag kasama mo siya ulit. Nakakamiss.

"Ang ganda, diba?" Sabi ko habang pinagmamasdan siyang mamangha. Na-stock kami sandali sa taas dahil nagsasakay pa sila ng mga tao sa ferris wheel.

"Sobra. OMG! Kunan mo ko ng picture!" Naeexcite niyang sabi at binigay sakin ang cellphone niya.

"1.. 2.. 3.. smile!" Kinuhaan ko siya ng 3 shots. Isang formal, isang wacky at isang stolen na nakatingin dun sa city. Ang cute.

Binigay ko na yung cellphone niya. "Ikaw naman!" Sabi niya at pinwesto yung cellphone niya kaya ngumiti nalang ako.

"Let's take a selfie!" Sabi niya at inayos ang cellphone niya samin. "Ako na." Sabi ko at kinuha para mas kitang kita yung background. Cinapture ko na at tinignan. I just found myself hugging her. Yung left arm ko ay nakapulupot sa leeg niya at nakakapit naman siya doon.

Lumaki yung smile ko nang makita ko yun. Nagpicture lang siya nang nagpicture nang magvibrate ang phone kong nasa bulsa.

From: Sapatos

Kinareer mo na talaga yan noh? HAHAHA! San kayo?

To: Sapatos

Loko. Ferris wheel.

From: Sapatos

Gago. Nasa ferris wheel din kami! Baka makita niya kayo! Anong number niyo?

To: Sapatos

26. Kayo? I-destruct niyo yan!

From: Sapatos

Number 9. Nasa kabilang side ka eh. Di ko masyadong aninag!

To: Sapatos

Ako din, di ko kayo masyadong kita. Buti nalang. Ge, maya na.

Nakahinga ako ng maluwag kaya napansin yun ni Reyna.

"Problema? May problema ba?" Agad akong napailing. "Wala, promise." Nginitian ko siya.

"Weh? Totoo?" Nag-aalanganin niya pang tanong.

Piningot ko ang ilong niya to assure na okay nga lang. "Oo nga. Hindi ka pa rin nagbabago, ang kulit mo pa rin." Napailing ako at dahan-dahang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" Tanong niya.

"Ah kas--" biglang tumunog ang phone ko kaya naputol ako. Whew! Buti nalang, save from the bell!

Calling Queen...

"Hello?" Bungad ko.

(King, where are you?) Parang binubulong niya ang mga sinasabi niya.

"Amusement park. Yung pinakamalapit sa village namin." Sagot ko.

(With whom) Tanong niya pa. Tinignan ko lang si Reyna habang iniikot niya pa rin ang mata niya sa view.

"With Reyna." Natahimik siya sandali. "Bakit?" Tanong ko pa.

(Stephen. He's following me.. again. He's here.) Tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil baka may gawin nanamang kalokohan yung ex niyang yun at may mangyari pang masama kay Queen.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon