Thirty Fifth - What are friends for.

709 24 1
                                    

Reyna's POV


"Oh Reyna, anong ginagawa mo dito?" Niyakap ko agad si Freya pagbukas niya ng pinto.


"Teka, teka nga. A-anong nangyayari sayo? Tara! Dito tayo mag-usap. Jusko, minsan ka na nga lang bumisita sa bahay kong 'to nagdadrama ka pa dyan." Hinatak niya ko papunta sa couch nila sa sala.


"Oh sige, sabihin mo sakin. Anong iniingit mo?" Tanong agad sakin ni Freya.


Nagsalumbaba ako at bumusangot. "Anong gagawin mo kapag alam mong may mahal kang iba pero may nanliligaw sayo?" Tanong ko habang nakatingin lang sa kung saan at alam kong nakatingin lang sakin si Freya at nakikinig.


"Edi basted-in mo yung nanliligaw sayo at sundin mo yung puso mo. Simple as that." Sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.


"Pupunta ba ko kung ganun lang yun kababaw?" Sabi ko pa.


"Eh ano ba yun?" Napakamot siya sa buhok niya.


"Hindi pa kasi ako tapos magsalita eh. Diba diba?"


"Oh edi sorry! Meron ka? Sungit mo ah." Sabi niya kaya nginitian ko siya at niyakap. "Joke lang! Hehe, 'to naman oh."


"Ganto kasi yun, yung mahal mo, may iba ng mahal tapos yung manliligaw mo, kaibigan mo. Syempre ayokong masaktan siya at basted-in nalang." Sabi ko at umaktong malungkot. Pero nakakalungkot din naman.


"Kesa naman paasahin mo yung tao." Napatingin ako sakaniya at nagsalumbaba ulit.


"You know what, hindi mo naman kailangang madaliin na magkalovelife ka--" sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman ako nagmamadali magka-lovelife!"


"Wait lang! Kase naman eh. Patapusin mo kaya muna ko." Nginitian ko siya na parang bata at nagpeacesign.


"Okay, sorry. Sorry." Nagsign ako ng zipper sa bibig ko at sinara ko yun.


"Kung gusto mong piliin yung mahal mo, sasabihin ko lang sayo ay wag. May mahal ng iba eh. Wag kang magpakatanga at ipagsiksikan pa yung sarili mo sakaniya. Ang best way dyan ay lubayan mo na siya at pigilan mo yang feelings mo hanggang sa wala na." Nakatingin pa rin ako sakaniya habang nakasalumbaba pa rin.


"And sa manliligaw mo naman na sinasabi mong kaibigan mo, wag din. Basted-in mo nalang, it's the best way, I promise. Kung wala ka naman talagang nararamdaman sakaniya at kung totoo kang kaibigan, sasabihin mo sakaniyang itigil niya na kung ano man yung gusto niyang gawin. Okay? Wag mo siyang mahalin dahil lang sa naaawa ka sakaniya at kaibigan mo siya. I-friendzoned mo nalang pero wag mong baguhin yung trato mo sakaniya. Tratuhin mo pa rin siyang kaibigan, walang malisya. Pero kung mahal mo naman siya or may nakikita kang possibility na mamahalin mo siya, then so be it. Make him prove muna kung deserving siya sa pagmamahal mo." Ay jusko.


"So you mean, wala akong pipiliin sakanilang dalawa?"


"Yes." At tumango siya. "Sabi ko naman sayo, wag kang magmadali magka-lovelife. Enjoy your life, let's enjoy every single day together." Sabi niya at ngumiti kaya ngumiti nalang din ako.


"Thank you Frey, so much." Sabi ko at niyakap siya.


"Taray mo ah, mahal ko o mahal ako ang peg mo ngayon, jusko!" Kumalas ako habang tumatawa kami.


"Ano? Let's go shopping?" Tanong ko at tinaas baba ang kilay ko kaya mas namuo ang ngiti sa labi niya.


"Let's goooo!!!" Sigaw niya. "Come on, magbihis tayo sa kwarto. We need to be look fresh and gorgeous!" Sabi niya pa at hintak niya na ko paakyat sa kwarto niya.


Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon