Twenty Seventh - Amusement Park Part 2

720 21 0
                                    

King's POV

"Maraming maraming salamat po talaga sainyo at nahanap niyo ang anak ko. Jusko po." Niyakap nung nanay ni Krisha siya habang mangiyak-ngiyak na.


"Wala pong anuman. Masaya naman po siyang kasama eh." Natutuwang sagot ni Reyna.


"Maraming salamat talaga. Thank you." Sabi ng mama niya at aalis naglakad na sila palayo pero huminto si Krisha at lumapit samin.


Sumesenyas siya na bumaba kami ni Reyna kaya lumuhod kami at kiniss niya kaming dalawa sa pisngi namin.


"Thank you po!" At ngumiti siya samin ng malapad.


"Kuya King, crush po kita." At bumungisngis siya.


Ngumiti naman ako ng malapad at hinalikan siya sa pisngi kaya yumakap siya ng mahigpit sakin pagtapos.


Kumalas siya. "Si Ate Reyna rin po, kiss niyo! Hehe." Natutuwang sabi niya.


Umiling-iling ako. "Hindi. Magkaibigan lang kami, diba?" Tumingin ako kay Reyna.


Nang tumingin ako sakaniya, napaiwas siya ng tingin dahil nakatingin siya sakin. Tumingin siya kay Krisha. "Oo nga. Ikaw talagang bata ka. Ang bata bata mo pa." Pinisil niya yung pisngi ni Krisha. Bagay.


"Hehehe! Sige po. Babay poooo!" Sabi niya at lumayo na habang nagwewave pero tumigil siya at humarap samin.


"BAGAY PO KAYOOO!" sigaw niya habang tumatakbo.

Ngumiti nalang ako at tumingin kay Reyna. "Ang cute niya noh?" Tanong niya at tumingin sakin.


"Oo." Sabi ko habang nakatingin sakaniya at mas lumapad ang ngiti ko.


"Rides tayo." Yaya niya at kinuha ang kamay ko para hatakin ako.

-----*

Sumakay kami sa rides na katumbas ng Flying Fiesta sa EK. Fly fly and away ata pangalan nito dito.


Sumakay kami sa dalawahan. Hawak hawak ko yung camera. Syempre, ika nga, 'Collect memories, not things.'


Kumakaway kaway siya at minsan ay sumisigaw. Ang cute lang. Namiss ko siya ng sobra.


Bumaba na kami dun at nang nagpunta kami sa exit, pinagalitan kami nung isang employee. Bawal pala yung camera. "Sorry po, di po namin alam." pagpapasensya ko.


"Hay nako. Wag niyo na ulit uulitin. Bawal ang camera sa lahat ng rides dito." pagsusungit niya. "Pero dahil pogi ka, okay na. May multa yan dapat eh." ngumiti ako ng mas malapad.

Kinuha ko ang kamay niya at nakipagshake hands. "Thank you po! Hehe." sabi ko at umalis na kami palayo sakaniya. Baka magbago pa ang isip eh.


"Ang gwapo ko talaga." pagpaparinig ko. Napansin kong umirap si Reyna at tanging "Tss." nalang ang lumabas sa bibig niya.


"Saan sunod?" tanong ko sakaniya. "Gusto mo sa may bangka?" tanong ko pa.


"Yung parang Anchor's Away?" tanong niya at nagningning ang mga mata niya. "Sige!"


"Hindi! Yung mababasa tayo." tinaas baba ko ang kilay ko.


"Ahm.. Mamaya nalang yung basa. Dun tayo sa parang Anchor's Away, ha. Gusto ko itry dun eh." sabi niya at hinila ako papunta doon.


Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon