Fourth - Two Ghosts?!

1.9K 61 3
                                    

Maxx's POV




Nice one! May POV ako!





Nandito kami sa anywhere. Hindi ko alam kung saan eh. Basta kasama ko lang si Nike ngayon, naglalakad lakad lang kami. Boring sa bahay eh. Hindi namin kasama si King. Ewan ko ba dun, laging wala. Masyadong busy sa pag-iimbistiga sa ex niyang multo.





Speaking of multo, shet! Totoo ba 'tong nakikita ko?! Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko.





Pinigilan ko si Nike maglakad at magsalita. Kinusot kusot ko muna yung mga mata ko.





"Shet! Totoo ba 'tong nakikita ko?!" Leche! Baka minumulto na rin ako!





"Ano bang nakikita mo?!" Rinig kong tanong ni Nike.



"F*ck!" Nakatitig pa rin ako sa nakikita ko





"Ano bang sinasabi mo?!" tumingin ako kay Nike at tumingin ulit sakaniya. Jusko! Hindi siya nawawala! Diba ang multo, pagkakurap mo lang, nawawala na? Eh bakit siya, hanggang ngayon nandun pa rin?!





"Sabihin mo kasi sakin kung anoba yun! T*ng ina!" Hinawakan ko ang ulo ni Nike at pinuwesto sa direksyon ng kanina ko pa tinitignan.





"Sino at ano ba yun?!" Naningkit ang mga mata niya.





"P*ta! Ayun oh!" Tinuro ko ang direksyon ng tinitignan ko kanina pa.





Nanlaki rin ang mata niya ng makita niya yon.





"P*tangina!" Gulat na sabi niya.





Nagkatinginan kami. "Si Reyna!" Sabay naming sabi.



"Tara na, umalis na tayo. Jusko! Minumulto na rin tayo! P*ta!" Sigaw ko at hinila na si Nike. Sa sobrang paghila ko sakaniya ay nasubsob pa siya.





Tinignan ko muna si Reyna at takte! Nandun pa rin siya! Pero this time, nakatingin na ... sakin?! What the ef! Nagpanic ako at lalong natakot. Pinagmadali ko si Nike tumayo.





Nang makatayo na siya, ay agad kong hinawakan siya para makatakbo kami ng sabay. Yiieee Relationship Goals! Joke! ew xD Hindi pa kami nakakalayo pero hininto niya ang kamay ko kaya muntik na rin akong masubsob. Lumingon ako sakaniya. "Bakit?!" tanong ko.





"Sandali! Yung sapatos ko naiwan!" Potakte! Andami naman nitong problema! Kinikilabutan na ko eh! "Leche naman 'to! Palitan mo na nga yang walang kwenta mong Nike. Di porket kapangalan mo, bibili ka na. Kita mo, parang ikaw talaga yang sapatos mo, luma na! Bumili ka naman ng bago!"



Matapos niyang kunin ay sinuot niya muna ito. "Antagaaal!" inis na sigaw ko. "Opo! Sandali lang! Madapa pa ko sa sintas neto eh."





Tumingin muna ako kay Reyna. "Jusko! Bilisan mo! Palapit na siya! P*tangina! Ngayon lang ako nakakita ng multo! Bilisan mo na!" matapos kong sabihin yun ay natapos na siya.





Kinuha ko na ulit ang kamay niya! Putek! Sinusundan niya kami! Habang tumatakbo kami ay sa likod kami tumitingin dahil sinusundan na nga kami ni Reyna! Juskolord! Wag niyo naman po sana kami pababayaa--





"Aray ko, g*go!" Tae! May nabunggo kaming babae. Tatlo kaming napaupo sa sahig. Sakit ng pwet ko. Nalamog yata! Pero pinabayaan ko na lang yun, mukhang masyadong bumagsak si ate. "Miss, ok ka lang?" tanong ko.

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon