Thirty Third - Leaving

634 28 1
                                    

Stephen's POV


"Waaaaaaah! Kuyaaaa!!! Kailangan mo na ba talagang bumalik pa sa States!?" Nagpatuloy siya sa pagngawa dyan.


Inirapan ko siya for the nth time. "How many times do I need to say that YES. I'm going back to States."


"Eeehhh!!! Kasi naman eh! Bakit ba kailangan pa?!" Tanong niya pa. Kanina pa rin yan niya tinatanong. Kakarindi.


"Because mom needs me. You know, business stuffs."



"Eh bakit kailangang ikaw pa?!"



"Because I'm the eldest. And you, your still young for business stuffs." Paliwanag ko pa.


"Kailangan talaga ngayon na?!"


"Yes." nakakairita na ah.


"Di ba pwedeng next week nalang para may konting bonding pa tayo?"


"Isa pang tanong mo sasalpakan ko ng packing tape yang bunganga mo. Sige." Sabi ko sakanya.


"Sabi ko nga hindi na eh." Sabi niya at nagpout. Alam niya yan, pag nagtagalog nako, ibig sabihin naiirita na ko. Kaya yan, tumahimik. Para kasing sirang plaka.


Nang marinig na namin na tinawag na ang flight to States ay napatayo na agad kami ni Lia.


"Kuyaaaaaaa!" sabi niya at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya. Mamimiss ko 'tong babaitang 'to kahit madaldal.


"Ok, lil sis, take care of yourself okay? You know that Kuya loves you so much." mas humigpit ang yakap niya pero kailangan ko na talagang umalis kaya kumalas na ko.


Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ang kamay ko para huminto ako. "Kuya, may last na katanungan nalang ako sayo."


Tumingin muna ako sa likod ko at nakitang may pila pa naman kaya humarap ulit ako sakaniya. "Okay, what is it?" tanong ko agad.


"Ikaw at si Queen ba ay.. ano?" hindi ko inexpect na itatanong niya yun pero huminga nalang ako ng malalim at pumikit bago magsalita. "She's my ex. Okay now?"



Dahan dahan siyang tumango na parang nagsisink-in palang sakaniya ang mga salitang sinabi ko. Pinat ko na ang ulo niya. "Okay, bye."


Tatalikod na sana ako nang magsalita nanaman siya dahilan para humarap ako ulit sakaniya. "Wait! Last na last na tanong na talaga." Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad naman siyang nagsalita. "Bakit di mo sinabi kagad?"


Napairap ako sa tanong niya. "Do I need to tell you?" tanong ko sakaniya.


"Ofcourse! Kuya kita, dapat alam ko at kilala ko ang mga nagiging girlfriends mo." Nanay na nanay lang ang peg netong babaeng 'to ah.


"Because she's your friend. Nothing more explanations." sagot ko.


"That's it? Hindi naman ako madalda--"


"Shut up. I said nothing more explanations. Ok, bye now." Sabi ko at maglalakad na sana paalis pero at the third time, humarap ulit ako nang magsalita siya. "Last na last na last na talaga."


"Sana yung nginangawa mo kanina ay itinanong mo ng mga yan, edi sana mahaba-haba pa ang pinagkwentuhan natin tungkol saming dalawa." Napairap ako ulit.


Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon