Eighteenth - I love you, too!

995 39 2
                                    

King's POV

Nagising ako nang biglang may nagva-vibrate sa bandang pwetan ko. Kinapa ko yun at nahawakan ang cellphone kong patuloy pa rin sa pag-vibrate.



Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil masakit sa mata ang sinag ng araw. Sino ba 'to?! Ang aga-aga, nambubulabog. Puyat na nga ko eh.



Kahit labag sa kalooban ko ay binuksan ko ng buong buo ang mga mata ko at tinignan ang tumatawag. Napapikit ako ng makita kong si Princess.




Hindi ko sinagot ang tawag niya kaya nagvibrate nanaman ang cellphone ko. Napabangon ako. "Peste, ano bang kailangan mo?" tanong ko. Pero doon ko lang narealize na text lang pala iyon. Ok, pahiya ka dun King.



From: Cess

Uwi ka na babe, di na ko galit. Love you :*




Itinapon ko sa kama ko ang cellphone at tumayo nalang. Anong oras pa lang ba? Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-aalasais palang ng umaga. Nice. Hatinggabi na ko natulog at ang aga ko pang nagising. Nice talaga.




Lumabas muna ako sa hotel at naglakad lakad sa dalampasigan. Ang sarap ng hangin. Ang ganda tignan ng alon. Umupo ako sa dalampasigan na hanggang paa ang naabot ng tubi--.




"Boo!"




"Ay pwet ko nalaglag!" muntik na kong matangay ng hangin dito nang bigla akong gulatin ni Queen.






"Hahahahaha! Sorry." umupo siya sa tabi ko habang patuloy na tumatawa. Minsan ko lang siya makitang tumawa ng ganyan. Ang cute rin pala, ang cute niya tumawa. Unti-unti akong ngumiti habang nakatingin pa rin sakaniyang ayaw paawat sa kakatawa. "Your.. hahahahaha! Your face tho. hahahahaha!"





Hinampas hampas niya pa ang balikat at hita ko habang tawa ng tawa. Nakakaines! Bakit ang cute mo?! Sarap mong iuwi.





Putspa! Hindi makamove-on! Siguro dahil minsan lang siyang tumawa kaya sinulit na. Haha! Gagu.






"Hey!" Bumalik ako sa kasalukuyan ng pingutin ni Queen ang ilong ko. Ngayon ko lang narealize, tapos na pala siyang tumawa.





"Tapos ka na?" Tanong ko habang seryoso ang mukha. Mapagtripan nga.






"Are you angry?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin.






"Hey, sorry. I'm just.. Your face was just so--" pinahiran ko siya ng buhangin na basa sa pisngi na ikinagulat niya naman.






Tumayo na agad ako at tumakbo dahil alam kong paktay ako sakaniya. Tumayo naman siya kagad at hinabol ako.





"I hate you!!!" Sigaw niya habang hinahabol pa rin ako pero nakalayo na ko sakaniya.




"I love you, too!!!" Sigaw k-- P*tangina! Anong sabi ko?!

Maxx's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Tumingin ako sa aking tabi at nakitang wala si King.




Tumayo ako at sumakit ang ulo ko. P*ta, uminom nga pala kami kagabi.




Naligo muna ako habang si Nike ay rinig na rinig ko ang hilik.





Matapos akong maligo, ay lumabas na ko ng cr na nakatapis lang sa baba ang towel ko.





Muntik ko nang malaglag 'tong towel na nakapulupot sakin ng makita ko ang pagmumukha ni Nike habang natutulog. Aba p*ta! Mukhang halimaw!






Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon