Eleventh - Freya's

1.1K 57 2
                                    

King's POV




"Magkakilala kayo?" Tanong ni Reyna. Halatang si Freya ay nagulat din sa sinabi niya.





"Ah.. o-oo. Uy! Long time no see!" Sabi ko at pinilit ngumiti. Napatingin naman si Reyna kay Freya. Nilakihan ko siya ng mata at binigyan ng sumakay-ka-na-lang look.





"O-oo nga. Long time no see." Nakangiting sagot naman ni Freya. Pumasok na siya at umupo sa sofang katapat ko.







"Paano kayo nagkakilala?" Tanong pa ni Reyna. Jusko! Anong sasabihin kong palusot?






"Uhh.."







"Magkaklase kami!" Sagot naman ni Freya. "Tama, magkaklase kami nung high school."






"Ha? Eh tayo rin naman, diba? Bakit hindi mo siya nakwento?" Tanong niya pa habang nakatingin kay Freya. Grabe naman! Hindi talaga ako nabanggit ng sino man kahit bilang kaklase man lang niya?! Grabe ah! "At tsaka bat hindi mo ko nakilala?" Sabay tingin niya naman sakin.





Napansin kong bumulong ang bibig ni Freya ng "Oo nga noh."






"H-hindi! Nung elementary tayo naging magkaklase!" Sagot ko naman.






"Oo, ikaw nga!" Sabi naman ni Freya na parang ngayon niya lang ako nakita at naalala.







"Ha? Eh natatandaan niyo pa ang isa't-isa?" Tanong niya pa. Di kaya nakakahalata na 'tong si Reyna? Nako po!







"Uhh.. kase.. nakita ko yung ano.. yung class picture namin kagabi! Nagkalkal kasi ako kagabi, nakita ko nakasiksik." Sagot niya agad. Buti nalang matalino 'tong si Freya. Valedictorian yata namin yan nung high school!







"Talaga? Patingin ako ah!" Naeexcite niyang sabi. Jusko! Pero parang imbestigador 'tong si Reyna! Lahat kinakalkal eh, lahat binubusisi.







"Ah.." Tumingin muna sakin si Freya at binalik ang tingin kay Reyna. "Nasunog ko na kasi eh. Sayang." Sabi ni Freya at lumungkot ang mukha.







Tumango nalang si Reyna. Sana naman satisfied na siya. Si Freya rin kasi, Best actress yan. Akala mo totoo, pero acting lang pala. Kaya rin siguro medyo napaniwala na niya si Reyna.






"Bakit ka nga pala naparito, Freya?" Tanong ni Reyna kay Freya.







"Gusto kitang kamustahin sa nangyari kanina. Ayos ka na ba?" Sagot ni Freya.







Tumango na siya. "Oo, ayos na ko. Tsaka nalaman kong.. ex niya pala yun."










Napatingin naman agad sakin si Freya na halatang gulat at inirapan ako. Hindi niya yun pinahalata kay Reyna dahil baka magduda siya.








"Sigurado ka bang ayos ka na? Ano bang nangyari?" Tanong niya pa.








"Oks na nga ko." Ngumiti si Reyna. "Nilapitan ko kasi siya kanina sa parking lot. Tapos yun, nagalit na siya nung nakita niya ko. She's pushing me while saying b*tch, slut. Then there, nakita ako ni Queen at ipinagtanggol. She was shocked when she saw us."




Habang nagkwekwento si Reyna ay kitang kita ko ang sama ng tingin sakin ni Freya.




"Sigurado ka ah. At.. hindi lang naman yung ang pinunta ko dito. Gusto sana kitang yayain mag-outing." Nakangiting sabi ni Freya.




Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon