Chapter Two

23.4K 402 17
                                    

Nakatingin lang ako sakanya habang siya ay naglalakad na parang reyna palapit saamin ni Travis.

Hindi ko naman napigilan na hindi mapalingon kay Travis na nasa tabi ko ngayon, At nasaktan ako sa nakikita kong lungkot sa mga mata nya habang titig na titig kay Sabrina.

"Congrats Travis and Vanessa, here" Sabi ni Sabrina saamin ng nakangiti at saka iniabot ang regalo nya kay Travis, Napansin ko naman na hindi ito kinukuha ni Travis dahil busy itong nakatitig kay Sabrina. Kaya ako na ang nagkusa na kunin ang regalo mula rito dahilan para mapalingon ito sakin.

"congrat's" Nakangiting bati nito saakin.

"Pwede ko bang mahiram si Travis sandali? Mrs.Alleje? " tanong ni Sabrina saakin na may diin sa salitang Mrs.Alleje, gusto kong sabihing hindi pero hindi man lang hinintay ni Travis ang sagot ko at dali-daling hinila na si Sabrina sa kung saan, napangiti nalang ako ng mapait at naalala kong hindi ko nga pala siya hawak ang apilyedo nya lang.

"Anong itsura yan?" Biglang litaw ni Anica sa harap ko at inangat pa sa mukha ko ang regalo nya kaya naman nakangiti ko itong kinuha sakanya.

"Mabuti at nakarating kayo?" Nakangiting tanong ko sakanila kasama nya kasi si Rieca at Ashley ang pag-kakaalam ko kasi eh aalis na si Rieca at Ashley papuntang Canada.

"Bukas pa naman ang flight nila eh,ikaw talaga! Pinapaalis mo na sila!" Paliwanag ni Anica saakin na may kasama pang batok.

"Hoy! Hindi dapat binabatukan ang magandang bride no! By the way congrats Vanessa" Nakangiting bati sakin ni Rieca.

"Sa tagal ng panahon Vanessa natupad din ang pangarap mo na maging Mrs. Alleje, Congrats" Nakangiti ring sabi sakin ni Ashley.

"Haha loka loka talaga kayo, Nga pala Kumain na ba kayo?" Tanong ko sakanila at agad naman silang nag-sipagtanguan.

"Mauna na kami Vanessa ha? Mag eempake pa kasi sila eh maaga ko pa silang sasamahan sa Airport" sabi ni Anica sakin kaya naman napanguso nalang ako at malungkot na tumango.

"Iiwan nyo na talaga ako, Basta ingat nalang kayo ha?" pagdra-dramang sabi ko.

"Sa ating apat Vanessa ikaw ang nang-iwan" Pagtataray na sabi ni Anica saakin na ipinagtaka ko.

"Ha? Ako pa talaga?" Sabi ko naman dito.

"Oo ikaw nga! Sabi mo sabay-sabay tayong apat na ikakasal aba! Asan na? Heto ka kasal na samantalang kami eto! Single pa -.-" Sabi naman ni Rieca sakin hayst ito talagang mga to!

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon