Chapter Eighteen

18.8K 264 9
                                    

Si......

Si......

Si......

Travis.....

Anong ginagawa nya dito? Tatalikod na sana ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako dahilan para mapaupo ako sa kandungan nito.

"Aalis kana agad? Kapapatawag lang namin sayo a?" Biglang tanong ng lalake na kasama ni travis.

"Teka pre! Akin yan e!" Sigaw nung cent sa lalakeng humila saakin.

"Humanap ka nalang ng iba ito gusto ko e!" Sabi ng lalake at hinawakan ako sa kamay agad naman akong napabitaw dito at tumayo na.

"Sorry sir pero hindi po ako pumapayag na i-table ako sorry po" Pagpapaumanhin ko dito akmang aalis na sana ako ng may humigit nanaman sa kamay ko.

"Pero saakin papayag ka naman diba?" Laking gulat ko ng si travis ang humila saakin at inupo ako sa tabi nya wala naman akong nagawa kundi ang umupo nalang duon.

"Sh*t Lakas mo talaga sa bar na to sir!" Ngiting sigaw ng dalawa nitong kasama maya-maya lang may lumapit na ding dalawang babae sa kasama nito.

"Excuse us" Sabi nung cent at pumunta sila sa dance floor,Napatingin ako sa isa na nagsisindi ng sigarilyo ng masindihan nya na ito agad nya itong hinithit at bumuga ng usok agad akong napaubo at nagtakip ng ilong hindi to maganda sa baby ko.

"Tss." Narinig ko galing kay travis,Tatanungin ko sana sya kung may gusto sya kaso hindi ako makapagsalita dahil ubo ako ng ubo.

"Tsk! Tumigil ka nga sa pag-ubo" Bulong na sita nito saakin agad ko naman tinakpan ng dalawa kong kamay ang bibig ko para hindi marinig ang ubo ko hindi na ako makahinga sa kakaubo.

Bigla kong naramdaman na hinila ako ni travis palapit sakanya kaya napasubsob ako sa matipunong dibdib nito.

"Haish! Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Inis na tanong nito saakin,Sasagutin ko na sana sya ng bigla akong abutan ng kasama nya ng beer.

"Drink!" Medyo lasing na sabi nito.

"A w-wag n-na!" Utal kong tanggi dito.

"Isha lhang!" Sabi nito kaya kinuha ko ito,Tinitigan ko ito Paano na? yung baby ko? Hindi to pwede.Pero no choice ako costumer namin sya.

Nilapit ko na ang baso sa labi ko ng hinablot ito ni travis at pabalibag na ibinaba sa lamesa,Agad na nagulat ang mga kasama nito pero hindi na sila pinansin ni travis at hinila ako palaalis sa Bar.

Napansin ko nalang na nasa parking lot na kami Teka!? May trabaho pa ako! Wala kaming kakainin ng baby ko.

"Teka!" Lakas loob kong sabi at bumitaw sa hawak nya,Agad naman syang humarap saakin at naka kunot noo.

"B-babalik Ako,may trabaho pa ako" utal kong sabi kinakabahan kasi ako e ewan ko ba kung bakit basta kapag kaharap ko sya natatakot ako.

"Tsk! Sige" Sabi nito kaya tumalikod na ako sakanya at naglakad pabalik.

"Pero kapag bumalik ka wag ka nang uuwi" Malamig na sabi nito,Napahinto ako sa sinabi nya Hindi na ako makakauwi? Saan ako titira? kung sasama naman ako sakanya paano kami kakain ng baby ko? Napaka selfish nya.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon