VANESSA POV
Maaga akong gumising ngayong araw dahil may lakad ako,ito ang araw na kailangan kong pumunta sa hospital para mag pa check-up kay Dra.Chua minsan sumasagi sa isip ko bakit tumama pa saakin ang sakit na to? siguro ako na ang pinaka malas na tao sa buong mundo lahat nalang ng pasakit napunta sa akin pero siguro nga may dahilan ang diyos kung bakit nangyayare lahat ng to saakin.
Agad na akong bumaba sa kusina para makapagluto ng pagkain ni tristan bago ako umalis.nang matapos naman na akong magluto agad ko na ding ibinaba ang mga gamit ni baby Jayce at inilagay sa lamesa sa sala inihanda ko na din ang gatas nya na timplado pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto ko at naligo agad naman akong natapos.
binuhat ko na si baby jayce at bumaba na,naabutan ko naman si travis na nanunuod ng tv habang nagkakape.
Agad akong lumapit sakanya,Napansin nya marahil ang presensya ko kaya napalingon sya samin.
"T-travis may pupuntahan lang ako" Paalam ko dito,Kumunot lang ang noo nito habang nakatingin sa akin medyo kinabahan ako sa tingin nya.
"Saan?" Bigla din nitong tanong,For the first time may pakealam na din sya sa mga lakad ko.
"Ah sa grocery bibili lang ako ng gatas ni baby jayce" Pagsisinungaling ko ayokong malaman nya na may sakit ako baka kasi mas lalo syang mandiri saakin at maging dahilan pa para mas lalo nya akong iwan.
"Isasama mo pa ba yan?" Sabi nito sabay turo sa anak namin.
"K-kasi iiwan ko muna sana sya sayo" Nauutal kong sabi sakanya hindi naman sya sumagot at lalong kumunot ang noo nito nakaramdam naman ako ng takot kaya pumikit ako handa ng marinig ang sigaw nya ng biglang nawala sa braso ko ang anak namin at nakitang binuhat niya na ito.
"Sige,Wag kang magtagal" Tanging yun lang ang sinabi nito kaya agad na akong tumalikod at lumabas ng bahay pumara na ako ng taxi hindi naman nagtagal ay nakarating na ako.
Agad akong pumunta kung nasaan si dra.Chua kumatok muna ako sa pinto,narinig ko naman na sinabi nyang pasok kaya agad na akong pumasok.
"Oh! ms.alleje mabuti at nakapunta kana" Tanging isang ngiti lang ang ibinigay ko sakanya sana ayos lang ako..
******************************
TRAVIS POV
Ayaw tumigil ng bata na to sa kakaiyak Sira na ang ear drums ko! ang ingay! Ganto ba ako dati? Iyakin! Nakakabakla to ah! teka! lalake ba to o babae? Agad ko naman sinilip ang loob ng Diaper ng batang to at agad kong nakita ang lawit! MAY JR NAKO!!!
"Oy! Bulinggit! Say Daddy!" Nakangiti kong Turo dito pero imbis na sabihin ang daddy inantsingan lang ako nito at tinuluan pa ako ng laway sa damit -.-
"Ay Kung hindi lang kita anak tiniris na kita" Inis kong sabi dito habang pinupunasan ang laway nya ng bigla itong umiyak ng malakas ano nanaman ang ginawa ko? -.- Ganto ba talaga kahirap mag alaga ng tyanak? Este anak?
"Isang iyak pa!" Inis na banta ko dito pero nakangiti oh ano? Sira na ba ang ulo ko?
"DADA!" iyak na sigaw nito agad naman akong napangiti tinawag nya ako *_*
"Good Boy!" Sabi ko dito at hinalikan sya sa pisngi naamoy ko naman ito ang panghut! Pinapaliguan bato ng nanay nya?
Agad akong nagtungo sa kwarto nila ni vanessa pagpasok ko palang agad sumalubong saakin ang mga picture na nakasabit sa wall ng kwarto puro itong anak namin ang mga nasa litrato meron ding nung wedding picture namin meron din akong mga picture na solo napangiti nalang ako ganon nya talaga ako ka mahal? Hindi ko manlang nasuklian
BINABASA MO ANG
Wife's Cry (Editing)
Romancekahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin. Yan ang laging sinasabi saakin ng aking asawa na si travis alleje isang walang lalake.