“Van…" ano? Hindi ko na alam ang isusunod ko sigurado na ba ako dito?
"Ano? Sino?" Excited na sabi nito sakin na akala mo ay hindi ito umiyak kanina.
"M-mahal kita" pag amin ko pero agad naman nanlaki ang mata nya na tila ba nakakita ng multo.
"Axel? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Tanong nya sakin ng hindi makapaniwala marahil sa sinabi ko.
"Oo mahal kita vanessa,since i first met you" pag amin ko sakanya inumpisahan ko dapat kong ituloy at panindigan.
"Alam mo naman na mahal ko ang kaibigan mo diba?" Sabi nito sakin tumango naman ako syempre alam ko yun kaya nga hindi ko na pina-alam sakanya noon.
"Oo kaya nga wala akong lakas ng loob na umamin sayo dati e,pero sana pala hindi nalang ako nagpakatorpe,sana pala noon palang umamin na ako sayo edi sana wala ka sa puder ng walang hiyang yu-" hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin dahil bigla nalang lumapat sa pisngi ko ang palad nya.
"PWEDE BA UMALIS KANA DITO?! AYAW NA KITANG MAKITA!" Sigaw nito sakin at pinagtutulak ako at pinaghahampas ibinato nya narin saakin ang unan kaya naman mas minabuti kong lumabas na.
"Oh? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni xander sakin ng makita ko siya sa labas.
"Wala,si anica?" Tanong ko sakanya ng hindi ko ito nakita.
"Ayun naiinis daw sa gwapo kong mukha" sabi nito atsaka ngumisi.
"Gwapo?! Diba nga sabi nya panget ka" mapang asar kong sabi sakanya dahilan para bumusangot sya.
"Panget ba ako?" Seryosong tanong nito dahilan para matawa ako.
"Oo" sabi ko sakanya lalo naman akong natawa ng mapangiwi ito.
"Joke lang,gwapo ka naman kamukha mo nga si barney e!" Sabi ko at tumawa.
"BARNEY!!? BAKLA YUN EE!" Sigaw nito.
"Bakit hindi kaba bakla?!" Mapang asar ko paring sabi.
"HINDI NO! GUSTO MO MAMBUNTIS AKO?!" Inis na sigaw nito.
"Oo na naniniwala na ako" sabi ko nalang sakanya at bumulong…
"nakabuntis ka na nga e"
"HA?" Takang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Wife's Cry (Editing)
Romancekahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin. Yan ang laging sinasabi saakin ng aking asawa na si travis alleje isang walang lalake.