VANESSA POV
Naramdaman kong nakahinto na ang sasakyan kaya agad akong dumilat nakita ko naman si travis na titig na titig saakin pero nang gumalaw na ako ay agad itong nag iwas ng tingin atsaka ito lumabas,Problema nun?
Lumabas na rin ako nakita ko si anica at rieca na tumatakbo palapit saakin napangiti naman ako at kinawayan sila.
"Akala namin hindi kana makakapunta" Tampong sabi ni anica.
"Andito na nga ako oh?" sabi ko sabay turo sa sarili ko,hinampas naman ako ni rieca sa braso maya-maya lang agad akong nakaramdam ng kakaiba sa tyan ko dahilan para masuka ako.
"HALA?!! oyy! hinampas lang kita sa braso nasuka kana" Tarantang sabi ni rieca habang hinahagod ang likod ko.
"Pagod yan sa byahe!" Sabi naman ni anica atsaka ako inalalayan maglakad ng makapasok na kami sa loob ng rest house sa resort ni Sean Naabutan namin na nag uusap si xander at Axel napayuko naman ako ng mapadako ang tingin ni axel saakin.Bigla namang lumabas sa kusina sila Sean at Travis naramdaman ko namang humigpit ang hawak sakin ni Rieca at gulat na gulat na nakatingin kay sean at halata mo kay sean na nagulat din ito,Anong nangyayare? Para silang nakakita ng multo.
"Hi ladies" Napatigil lang sila nang biglang magsalita si xander at kumindat pa sa amin.
"Hoy panget! tigil tigilan mo nga ang pagpapacute mo!! nakakairita kaya!!" sigaw naman ni anica kay xander kaya napangiwi ito.
"Panget?! bulag kaba?!" inis din na sigaw nito kay anica pero inirapan lang sya nito.
"Vanessa can we talk?" Biglang Sabi ng asawa ko,Atsaka lumabas, tumingin naman saakin si sean at tinawag ako saglit ng makalapit na ako may binulong ito.
"Wag ka magpadala sa sasabihin ng ulol na yun" sabay ngiti.
Pagkasabi nya nun sinundan ko na si travis nakita ko itong pumunta sa madilim na part sa tingin ko Malapit na yun sa tubig,Agad akong pumunta doon nakita ko syang nakaupo sa buhangin kaya umupo din ako sa tabi nya.
"Van?" mahinang tawag nito sa pangalan ko.
"Ba-bakit travis?" Kinakabahan kong tanong.
"Ma-Maghi-" Hirap na hirap nitong bigkas kaya naman napa-kunot ako ng noo.
"Maghiwalay na tayo" Mabilis nitong sabi dahilan para mapatitig ako sakanya pero ang tingin nito ay nasa kawalan at seryoso.
"Maghiwalay?" Mangiyak ngiyak kong tanong sakanya.
"Alam mo naman na mahal ko si sabrina diba? ipaglalaban ko sya vanessa,Pero mahihirapan akong kunin sya kung asawa kita kaya nakapag desisyon akong mag file ng annulment" Sabi nito dahilan para tumulo ang mga luha ko ayaw nya ba talaga sakin?
"Travis! mahal din kita! at handa din akong ipaglaban ka!" medyo malakas kong sabi sakanya,Kung kaya nyang ipaglaban ang taong mahal nya kaya ko din ipaglaban ang taong mahal ko!
"Tangina vanessa wag kang tanga! mahal ko sya! Hindi kita mahal! wag kang maging makasarili! Na ikaw lang ang masaya sating dalawa!" Sigaw nito saakin na mas lalong nakapag paluha saakin.
"Ikaw ang makasarili travis!! Gusto mo ang kaligayahan mo lang! paano naman ang kaligayahan ko? Tingin mo ba sa sitwasyon natin nato masaya ako? Travis naman…Si Sabrina na nga nagsabi diba? May mahal na siya wag kana maghabol travis hindi ka as-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigyan nya ako ng isang malutong na sampal dahilan para mapatigil ang mga luha ko sa pagtulo dahil sa gulat.
"Lakas din ng loob mong sabihin sakin yan ha?! Bakit ikaw Vanessa?! Ilang beses ko din naman sinabi sayong may mahal akong iba ah?! E kung ibalik ko kaya sayo yang mga sinasabi mo? Bakit Vanessa?! Aso kaba para maghabol sakin?" Galit na sabi nito saakin.
"Mahal kita travis! mahal na mahal” iyon lang ang tanging nasabi ko sakanya.
“Vanessa itigil na natin to, pareho lang nating sinasaktan yung sarili natin” Mahinahong sabi nito.
“Ayoko travis” Matapang na sabi ko.
Hindi naman ako pinansin nito at agad na tumayo.
"SIGE! UMALIS KA! MAGPAPAKAMATAY AKO!!!" Sigaw ko atsaka tumayo at paatras na pumunta sa tubig.
"Hindi parin magbabago ang desisyon ko mag fifile ako" Sabi nito at sinimulan ng maglakad palayo.
Agad naman akong naglakad patungo sa dagat pero agad akong nagulat ng biglang lumubog yung tinapakan kong buhangin dahilan para bigla akong lumubog sa tubig.
{Aww!! sorry sa short update}
BINABASA MO ANG
Wife's Cry (Editing)
Romancekahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin. Yan ang laging sinasabi saakin ng aking asawa na si travis alleje isang walang lalake.