Chapter Six

20.2K 340 6
                                    

"Hi vanessa,nandiyan ba si travis?" Tanong nito sakin ng bahagyang nakangiti.

"Na-nasa lo-loob" wala sa sarili kong sambit sa kaharap ko bakit nga ba sinabi ko?

"Sino ba yan vanes-" rinig kong sabi ni travis mula sa likod ko kaya naman agad akong napapikit ng madiin at dahan dahan na lumingon dito atsaka dumilat,tulala lang ito marahil ay nagulat din sya sa nakikita nya ngayon.

"Hi tris!" Ngiting-ngiti na sabi nito kay travis at saka nag wave pa ng kamay.

Agad naman akong binangga ni travis para mayakap si sabrina.
Kailangan talaga sa harap ko pa travis?

"I miss you baby" Sabi nito at akmang hahalikan si sabrina kaya naman agad na akong tumalikod ayokong makita,Ayos na sakin yung yakapin nya si Sabrina sa harapan ko pero ang halikan pa! TAMA NA! Agad agad akong pumunta sa sala at mas minabuti na libangin ang sarili ko kumuha ako ng walis at nag walis-walis nalang ng biglang……

"NO SAB! YOU CANT! PLEASE BABY!" Rinig kong pagmamaka-awa ni travis mula sa labas.
Anong nangyayare?
Sisilipin ko sana kung ano ang nangyayare nang biglang lumitaw si travis sa harapan ko na galit na galit.

Agad naman akong napa-atras dahil sa aura na ipinapakita nito.

"YOU!!" Dinuro nya ako atsaka biglang hinatak ang buhok ko papunta sa likod ng bahay.

"Tra-travis" mangiyak-ngiyak kong tawag sa pangalan nya habang kinakaladkad nya ako.

Masakit sobra…

"KASALANAN MO ANG LAHAT NG TO!!" Sigaw nya sakin at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa buhok ko dahilan para mapahawak na din ako sa kamay nyang nakahawak sa buhok ko feeling ko matatanggal na yung buhok ko sa ginagawa nya.

"Tra-travis a-ano bang gi-ginawa ko?" nagtatakang utal-utal kong tanong natatakot ako sakanya sobrang galit na galit talaga sya.

"NANG DAHIL SAYO NAGING PESTE ANG BUHAY KO! NANG DAHIL SAYO! MARAMING NAWALA!" sigaw nya atsaka ako tinapon sa kung saan na parang isang basura lamang.
nakaramdam naman ako ng hapdi sa katawan ko at hindi na dapat ako magtaka dahil sa mismong taniman ko ng mga rose nya ako tinapon.

"TRIS! ANONG GINAWA MO?!" Nakarinig nalang ako ng sigaw ng isang babae at hindi nga ako pwedeng magkamali si Sabrina ito.

Kitang-kita ko dito ang pagkagulat at pag aalala habang papalapit siya sa kinarroonan ko.

"Sh*t are you okay?" tanong nito saakin habang dahan dahan na hinahaplos yung mga sugat ko.

Agad nalang akong tumango bilang sagot sa tanong nya,Agad naman itong tumayo at sinigawan si travis.

"HOW DARE YOU TRIS! ASAWA MO SI VANESSA! PAANO MO NAGAGAWA SAKANYA TO?! RESPETUHIN MO NAMAN SYA!" galit na galit na sabi nito kay travis.

"IRESPETO?TANG INA SABRINA PAANO KO IRERESPETO ANG TAONG SUMIRA SA RELASYON NATIN! KASALANAN NYA TO LAHAT! TAPOS SASABIHIN MO IRESPETO KO SYA! TANG INA NAMAN SABRINA PAANO KO SYA MATATAWAG NA ASAWA KO KUNG SYA MISMO SUMIRA NG BUHAY KO!" Galit na galit na sabi ni travis dito at napasabunot pa sa sobrang galit,at dahil sa mga binitawan nyang salita hindi ko napigilang lalong humagulgol ang sakit sakit.

"TRIS! Oo sabihin natin na sya nga ang sumira sa relasyon natin pero alam ng lahat na pinag sisihan nya na ang lahat ng yon,at alam ng panginoon yun,tris mas mabuti siguro kung ang gawin mo forgive her,at kalimutan kung ano man ang nagawa nya" Paliwanag ni sabrina para kumbinsihin si travis pero mukhang hindi ito nakumbinsi na patawarin ako.

"HOW?! PAANO KO SYA MAPAPATAWAD?! EE NAWALA KA SAKIN? NAWALA ANG BUHAY KO!!" Sigaw nito at napaluhod na sa sahig atsaka napasabunot sa buhok nya halata mong inis na inis na sya.

"Mapapatawad ko lang sya kung....kung babalik ka sakin sabrina" mahinahong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni sabrina kitang kita mo sa nga mata nya kung gaano nya kamahal ang babaeng kaharap na syang dahilan para madurog ang puso ko.

"Sorry Tris! Ikakasal na ako,Sana maintindihan mo mahal kita pero mas mahal ko sya im really sorry" sabi naman ni sabrina kay travis atsaka lumapit dito para alalayang tumayo pero hinawakan lang ni travis ang kamay nito,inaamin ko naiinggit ako kay sabrina,Ni minsan hindi man lang hinawakan ni travis ang kamay ko ng ganon.

"Pero sabrina? Mahal kita! Kukunin kita sakanya ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sayo" Matigas na sambit ni travis nanlumo naman ako sa mga katagang binanggit nya,Ipaglalaban nya ang pagmamahal nya? Ganon din ang ginagawa ko diba? Ipinaglalaban ko itong nararamdaman ko.

"Kung gagawin mo yan,sasaktan mo lang ako,tama na yung nasaktan ako nung nawala ka,Wag mo nang guluhin ang kaligayahan ko ngayon tris! Sa gagawin mong yan marami ang masasaktan! Sorry!" Pagkasabi ni sabrina nun bumitaw na sya sa hawak ni travis at lumapit saakin.

"Here,tatawagan kita,para makausap" pagkabigay nito ng number nya ay umalis na ito.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto agad akong lumapit kay travis na nakaluhod parin at nakayuko.hahawakan ko sana sya ng itaboy nito ang kamay ko bago ito tumayo at pumasok sa loob ng bahay kitang kita ko sa mga mata nito ang lungkot naaawa ako sakanya kasalanan ko itong lahat…

Sana pala una palang hindi ko na ito ginawa nag sisisi na ako na ginawa ko ang bagay nayun.
Pero nasimulan ko na ito..

Nagawa ko na..

At ang sulosyon nalang ay kelangan kong tapusin ang lahat.
Na siyang hindi ko kaya…..

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon