Chapter Eight

20.7K 305 7
                                    

AXEL POV

8 months na ang nakakalipas simula ng huli kong makita si vanessa kaya napag pasyahan kong dalawin sya,kakatok palang sana ako kaso mas maganda kung isusurprise ko sila ni travis kaya naman dahan dahan kong pinihit ko ang door knob nila at kung sinuswerte ka nga naman hindi ito naka lock.

Dahan dahan akong naglakad at nang makarating ako sa kusina agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kitang kita ko kung paano inihagis ni travis si vanessa sa upuan dahilan para tumama ang ulo nito sa upuan may sasabihin pa sana ito kaso hindi na nito natuloy dahil nawalan na ito ng malay agad akong sumugod kay travis at nasuntok ko ito na ikinagulat nya.

"TANG*NA MO PARE!!" Sigaw ko habang sinusuntok parin sya nakahiga na sya sa sahig at hindi lumalaban pero agad akong napahinto ng may nakita akong dugo mula sa ulo ni vanessa,agad akong lumapit dito.

"KAPAG MAY NANGYARE KAY VANESSA!! TANG*NA MO KANG HAYOP KA PAPATAYIN KITA AT ETO TANDAAN MO HINDING-HINDI MO NA SYA MAKIKITA PA DAHIL KUKUNIN KO SYA SAYO!! HAYOP KA!! HINDI AKO MAKAPANIWALANG KAIBIGAN KITA!!" Pagkasabi ko nun agad kong binuhat si vanessa at tumakbo palabas atsaka siya dali daling isinakay sa kotse ko please van! Konting tiis pa.

ANICA POV

Agad akong pumunta sa sinabing kwarto ng kaibigan ko,Naabutan ko naman si axel sa tabi nito na seryosong nakatingin kay vanessa.

"Anong nangyare sakanya?!" Alalang alala na tanong ko kay axel bago lumapit sa tabi ni Vanessa.

"Nakita kong tinulak sya ni travis kaya tumama ang ulo nya sa upuan." Paliwanag nito sa malungkot na tono pero may halong galit.

"D*mn him!" Hindi ko mapigilang pagmura!

"AXEL!! Anong nangyare?" Biglang dumating si xander na hingal na hingal bakit andito tong lalake nato?!

"Sinaktan sya ni travis" Galit na sabi ni axel kay xander.

"ANO?! anong pumasok sa utak nun?" Takang tanong nito.

"BAKIT ANDITO KA?!" Sigaw ko dito anong akala nya nakakalimutan ko yung ginawa nya kay ashley?

"Ha? Tinawagan ako ni Axel" sagot naman nito saakin.

"Bakit mo tinawagan to?" Nakapamaywang na sabi ko kay axel pero natigilan kaming lahat ng unti-unting gumalaw si van kasunot ng pagdilat nito.

"Na-nasaan A-ako?" nanghihinang tanong ni vanessa saamin.

"Nasa hospital ka vanessa" mahinahong sabi nito kay Vanessa.

"May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ko kay vanessa naaawa ako sa mga kaibigan ko, wala man lang akong magawa para sakanila.

"Okay naman na ako" Sagot nito saamin.

"Sorry ha? Naistorbo ko pa ata kayo" nahihiyang dugtong pa nito.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon