Naalimpungatan ako nang marinig ko ang mu-munting halakhak ni jayce.
“Hala! Nagising si mommy dahil sa ingay nang baby jayce namin” Mahinang sambit ni anica sa kalarong si jayce nang mapansing gumalaw ako.
Agad akong napatingin sa labas at agad nanlaki ang mata ko nang makitang madilim na, agad agad kong nilabas yung cellphone ko para sana tignan kung anong oras na nang biglang magsalita si anica.
“8:00 pm na van, Mukhang napagod ka” 8 pm?! Ganon na ba talaga kahaba ang tulog ko?
“Si Travis? Umuwi na ba? Kumain na ba siya?” sunod sunod na tanong ko dito sabay silip sa hagdan kung saan pwedeng matanaw ang pinto nang kwarto naming mag-asawa.
“Hindi pa umuuwi si travis, vanessa” Seryoso namang sabi nito.
“Ano?!” Medyo malakas na sabi ko at agad tinignan ang cellphone ko, baka kasi mamaya kanina pa iyon tumatawag o baka naman may text na.
Pero nalungkot ako nang ni isang paramdam wala, kahit isang missed call o text man lang wala.
“Ayos ka lang ba van? Wala ba siyang text sayo?” Tanong ni anica na may bahid ng pag aalala sa boses, Marahil narin siguro sa itsura ko ngayon kung bakit nag aalala sya.
“Kahit text wala man lang” Malungkot na sabi ko.
“Tawagan mo na kaya” Utos nito saakin na agad ko namang ginawa,Naka 5 ulit na ata ako hindi nya parin sinasagot.
“Hindi niya sinasagot yung tawag ko eh” Malungkot ko muling sabi dito.
“Baka busy lang” At sa salitang iyon medyo kumirot yung dibdib ko busy? Saan? Ganoon ba talaga kaimportante yun at sobrang busy siya?
“Kumain kana dun, Nag order ako nang pagkain. Gusto ko sana magluto kaya lang walang magbabantay kay jayce ayaw naman kitang istorbohin at ang sarap nang tulog mo” Sabi nito dahilan para mapangiti ako mabuti nalang talaga at laging nasa tabi ko si anica. Si anica yung tipong kaibigan na kailangan nang lahat.
“Salamat anica, Pero mamaya nalang siguro papatulugin ko muna si jayce” Akmang lalapit na ako sa kanila nang pigilan nya ako.
“No, Ako na sige na kumain kana dun.Pagkatapos mo magpahinga ka” Wala naman na akong nagawa kaya sumunod nalang ako.
Mahirap kapag kinalaban ko pa si anica, kasi alam kong ako rin ang talo.
Umupo na ako kung saan may nakita akong lasagna at juice sa lamesa, nakakailang subo palang ako nawalan na ako nang gana. Hindi ako makakain kakaisip kung bakit hanggang ngayon wala pa si travis, kung bakit wala parin siyang paramdam.
May nangyare ba sakanyang masama? O sadyang busy lang siya sa iba kaya nakalimutan nyang may pamilya sya?
“Sabi ko kumain ka, diko sinabing dasalan mo” Nakangusong pasok ni anica sa kusina at umupo sa harapan ko.
“Si Jayce?” Tanong ko.
“Tulog na, napagod yun kakalaro namin” Nakangiting sabi nito mukhang nasiyahan din sya kasama yung anak ko.
“Travis na Travis yung mukha ni jayce ano? Kuhang kuha nya yung tabas nang mukha ni travis, wala man lang nakuha sayo. wag lang sana pati yung tabas nang ugali ni travis makuha nang anak mo. sana yung ugali sayo na makuha” Nakangiting sabi nito.
“Loka ka talaga, Pero salamat anica ha?” Pasalamat ko dito, binigyan nya naman ako nang isang matamis na ngiti.
“Always welcome van, sino pa bang magtutulungan kundi tayo tayo lang din naman hindi ba? pero sa ngayon kailangan ko nang umuwi. Babalik ako dito bukas maglalaro uli kami ni jayce” Paalam nito, isang ngiti lang naman ang ibinigay ko at tumango saka agad na itong umalis.
Heto nanaman ako nagiisa, muli kong kinuha yung cellphone ko at denial ang cellphone number ni travis.
Hindi ako tumitigil hangga’t hindi nya sinasagot yung tawag ko. Hanggang sa umabot na sa puntong patay na yung cellphone nya.
Nasaan ka ba travis?
Naisipan ko namang tawagan ang kaibigan nyang si sean upang dito magtanong, nakakailang ring palang agad na nitong sinagot ang tawag ko.
“Hello van?” Sagot nito sa kabilang linya.
“Sean? Kasama mo ba si travis?” Agad na tanong ko dito.
(Sir? Ayos na po ba to?) rinig ko namang sabi sa kabilang linya mukhang may ginagawa ito.
“Masyadong plain,Pero ayos na yan” sabi naman nito sa kausap.
“Hindi ko siya kasama van eh, may inaasikaso ako, hindi pa ba umuuwi yung rapist na yun?” Tanong nito sa kabilang linya.
“Hindi pa eh, May masama bang nangyare sa kompanya?” Hindi ko mapigilang tanong baka kasi mamaya may problema dun at ayaw nya lang sabihin sakin.
“Sa kompanya? Ang alam ko nag leave sya dun ngayong araw e” Sabi nito.
“Nag leave?” Ulit ko.
“Ay! Sinabi ko ba yun?” Mukhang natatarantang sabi nito.
“Sige sean, salamat” Pagkasabi ko non agad ko nang pinatay.
Nag leave? Pero ang sabi nya saakin kanina pupunta siya nang kompanya at may aasikasuhin sya.
Yung totoo travis? Nasaan kaba talaga?
Napagpasyahan ko nalang na lumabas sa bakuran namin at umupo sa swing na naroon dahan dahan naman akong tumingin sa kalangitan kung saan matatanaw mo ang magandang kalangitan na punong puno nang makikinang na bituin. Dahan dahan kong Ipinikit ang aking mga mata at dinama ang malamig na ihip nang hangin.
Travis naguguluhan na ako. Mahal mo na ba talaga ako o hanggang ngayon sinasaktan mo parin ako.
Hindi na kita maintindihan, parang kanina lang sweet at malambing kapa sakin bakit biglang ganto? Bigla ka nalang magbabago. Bigla kang naging seryoso at bigla bigla nalang hindi nagpaparamdam.
Anong mali? Bakit ang gulo. Akala ko tapos na, mukhang hindi pa pala.
Travis kung nasaan ka man sana maisip mong wag muli akong saktan dahil oras na masaktan uli ako nang dahil sayo ako na mismo ang lalayo at sisiguraduhin kong wala ka nang babalikan kailanman.
Tama na siguro yung sakit na ibinigay mo saakin noon, masyado na akong tanga kung tatanggapin pa kita kapag may ginawa ka nanamang kagaguhan sakin.
Ang dami-daming tumatakbo ngayon sa isip ko, nagbago lang ba siya dahil kay jayce? Gumaganti lang ba siya? Bakit ganon travis? Nasasaktan nanaman ako eh.
Naramdaman ko namang may lumabas na luha sa mga mata ko dahilan para mapangiwi ako napaiyak nya nanaman ako.
Sisiguraduhin kong ito na ang huling luhang lalabas sa mga mata ko, gusto ko namang magpakatatag.
Travis huling luha nato….
{Ayos lang bang lagyan ko pa nang dagdag? O Ayos na yung ending sa Chapter 24?}
BINABASA MO ANG
Wife's Cry (Editing)
Romancekahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin. Yan ang laging sinasabi saakin ng aking asawa na si travis alleje isang walang lalake.