VANESSA POV
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at agad na bumungad saakin ang isang puting kisame.
"Gising kana pala" agad akong napalingon ng marinig ang boses ng kaibigan ko na si anica.
"Ang baby ko?" tanong ko dito kaya naman agad ako nitong nginitian.
"Nasa nursery sya,Lalake ang anak mo vanessa" Ngiting-ngiti na sabi nito saakin pero agad din akong napakunot ng noo.
"Paano mo nal-" Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin ng unahan ako nito.
"Tinawagan ng mga nurse ang number na nasa emergency call mo,Pero sinabi ni travis na ako nalang daw ang tawagan" Malungkot na paliwanag nito saakin,Hindi naba talaga matatanggap ni travis ang anak nya?
"Ganon ba salamat anica,Ang buong akala ko galit ka saakin" sabi ko sakanya na ikinagulat nya.
"Ako?Galit sayo?Hindi a,Ang akala ko kasi ikaw ang galit saakin" Malungkot na sabi nito ng biglang pumasok ang nurse at doctor sa kwarto.
"Congrats mrs.Alleje may baby boy kana,Nandito kami para kuhanin ang pangalan ng anak mo" Paliwanag ng doctor saakin.
Naaalala ko yung drawing ni travis dati isang batang lalake ay iyon ang gusto nyang pangalan para sa magiging anak nya.
"Jayce Armound alleje" Nakangiti kong sabi sa doctor.
“Napaka-gandang pangalan para sa isang batang lalake” Sabi pa nito bago mag paalam para tignan pa ang ibang nanganak.
"Gusto mo bang tignan ang baby mo?' tanong ni anica saakin.
"Oo pwede ba?" Tanong ko dito agad naman itong ngumiti at lumabas ng kwarto maya-maya lang ay pumasok na ito kasama ang anak ko.
"Hello mommy" Sabi ni anica habang karga-karga ang baby ko,dahan dahan naman akong umupo para makarga din ang baby ko at hindi ako nagkamali kuhang kuha nya ang tabas ng mukha ng daddy nya travis na travis ang mukha nya.
"Kuhang-kuha ang itsura ng ama!" Sabi ni anica habang tinititigan si baby Jayce.
"Oo nga eh, wala man lang siyang nakuha sakin" nakasimangot kong sabi dito.
"Ugali! Ugali sana ang makuha ni baby jayce sayo, atsaka anong sinasabi ni travis na hindi siya ang ama eh hindi mo mapagkakailang anak nya yan tignan mo nga! Pag pinaglapit mo sila para na silang pinagbiyak na bunga tsk!" Sigaw nito napatawa nalang ako sakanya sana nga kapag nakita nya ang anak namin wag nya ng ipagtabuyan.Habang pinagmamasdan ko ang anak ko biglang may pumasok na dalawang lalake.
BINABASA MO ANG
Wife's Cry (Editing)
Romancekahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin. Yan ang laging sinasabi saakin ng aking asawa na si travis alleje isang walang lalake.