Chapter Twenty Four (Final Chapter)

26K 324 13
                                    

VANESSA POV

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay namin kasama ang mag-ama ko.

Masaya silang naglalarong dalawa naghahabulan sila sa damuhan ang sarap pala sa feeling kapag nakikita mo ang mag ama mo na masaya at mukhang walang problemang hinaharap.

Hindi ko inakala na mangyayare parin to

Akala ko pangarap nalang.

Akala ko hindi na talaga matatanggap ni travis ang anak namin.

At buong akala ko hindi nya na ako mapapatawad sa kasalanan ko.

Pero totoo nga may awa parin ang diyos hindi nya hinayaan na mawalan ng ama ang anak ko.

Hindi ko naman inaasam na mapatawad nya ako ang gusto ko lang ang matanggap nya ang anak namin pero masyado talagang mabait ang panginoon at pati ako ay natanggap nya at napatawad pang muli.

"Sweetheart gusto mo naba kumain?" Nabalik ako sa realidad ng bigla akong tanungin ni travis habang buhat buhat si jayce.

"Ha? Ikaw ba gusto mo nang kumain?" Tanong ko sakanya atsaka naman sya umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Oo kanina pa nga ako natatakam ee" sabi nito sakin at may pag basa pa ng labi gamit ang dila nya tss..Nalandi nanaman.

"Edi tara na." Akmang tatayo na ako nang hawakan nya ako sa kamay.

"Hindi mo pa nga ako tinatanong kung ano gusto kong kainin ee" sabi nito saakin sabay kindat.

Nangunot naman ang noo ko.

"Ano bang gusto mo?" Takang tanong ko dito pero imbis na sagutin ako hinalikan lang ako nito sa labi nung una Hindi pa sya gumagalaw pero kalaunan gumalaw na din sya naramdaman ko naman na kinagat nya ang ibabang labi ko dahilan para maibuka ko ang bibig ko atsaka nya naman ipinasok ang dila nya wala na akong nagawa kundi ungol.

Sana ganto nalang kami sana wala ng mangyareng masama dahil diko na kakayanin pa.

Naramdaman kong tumigil si travis sa pag halik kaya naman napadilat ako.

"Fvck!" Rinig kong mura nya kaya naman humiwalay ako sakanya at natawa ako sa nakikita ko.

"Hahahahahahaha" wala akong nasabi kundi tawa.

Ang cute kasi nilang tignan ee hinahalikan ni jayce yung pisngi ni travis kaya ayun! Puro laway.

"Jayce baby kabata-bata mo pa nanghahalik kana tss...." Nakasimangot na sabi ni travis sa anak namin sabay layo dito.

"Jayce!" Sigaw ni travis dito ng abutin parin nito ang pisngi nya at hinalikan.

"JAYCE!!!" Sigaw nito atsaka inilayo uli umiyak naman si baby jayce dahil pinagalitan ng daddy nya.

"Travis bata pa yan naglalambing lang ee" Sabi ko sakanya atsaka kinuha si jayce sakanya agad naman sumama si jayce sakin.

Kinandong ko ito at ayun ako naman ang hinalikan.

"See..Kaya ayokong pinapahawak kay xander ang anak ko e natututo ng ganyan" inis na sabi ni travis habang pinupunasan ng tissue yung mukha.

"Si xander nga ba ang nagturo o ikaw?" Tanong ko sakanya na ikinalaki ng mata nito.

"Ako?! Bakit naman ako?!" Tanong nito na nakahawak pa sa batok.

"Kasi alam mo na ngang may bata lumalandi kapa" sabi ko dito bigla naman itong nag pout aysus! Nagpapa-awa.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon