(DAGDAG) CHAPTER 27

7.8K 76 37
                                    

After 123456789 years eto na talaga guys UPDATE NA TALAGA TO PROMISE!!!

VANESSA POV

Bigla akong napadilat ng may marinig akong tunog ng kotse at hindi ako pwedeng magkamali si travis yon. Agad agad akong tumayo para kumpirmahin kung si travis nga ba talaga yon, at hindi ako nagkamali.

Pagod na pagod ang mukha nito, lukot lukot ang suot na damit at gulo gulo ang buhok kung idedescribe ko sya ngayon mukha syang nakipag bakbakan sa mga tambay sa kanto.

"Bakit ngayon ka lang?" Agad agad kong tanong ng tuluyan na siyang makapasok sa pinto ng aming bahay. Ngunit wala akong natanggap na sagot mula rito.

Dire-diretso itong pumasok sa loob at dinaanan lang ako na parang isa lang akong hangin. Sinundan ko naman siya hanggang sa kusina at muling tinanong.

"Saan ka galing?" Mahinahon pero may halong inis na tonong tanong ko.

Isang pagod na tingin lang ang isinagot nito sakin bago kumuha ng tubig para uminom.

"Huling tanong travis, saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" Mahinahon ko ulit na tanong sakanya at nagbabakasakaling sa ngayon ay sasagutin nya na ang kanina ko pang tanong at hindi naman ako nagkamali sinagot nya ang kanina ko pang tanong pero hindi iyon ang inaasahan kong sagot.

"Pwede ba vanessa wag ngayon ha? Pagod ako dont you see? Im tired." Bigla namang napakunot ang noo ko sa inasta ni travis at tinawag pa ako nito sa buong pangalan.

"Pagod saan?" Matapang na tanong ko dito. Pagod nga ba saan? Sa trabaho?

"Pwede ba bukas nalang tayo mag usap? Im so freakin tired right now. Kung gusto mong magwala go! Basta ako? Aakyat na para magpahinga" pagkatapos nitong sabihin ang mga iyon agad agad na akong tinalikuran nito at dumeretso sa taas para siguro magpahinga na. Hindi ko naman mapigilang lumuha sa mga nangyare, naguguluhan na ako.

Akala ko ba okay na? Akala ko ba ayos na ang lahat? Bakit feeling ko bumalik yung dati? Bakit saglit lang yung saya na naramdaman ko?

Am I not deserve to be happy?

ANICA POV

Kasalukuyan akong naglalakad para sana mamili ng gatas para kay baby jayce ng bigla kong nakita si travis na may kausap na babae sa isang coffee shop sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Ngiting ngiti ang dalawa sa pinag uusapan nila, parang sobrang nakakatuwa ng pinag uusapan nila dahilan para ang mga ngiti ng mga ito ay lumagpas mula sa langit.

Bigla kong naalala si van kumain na kaya yon? Umuwi ba tong g*go na to sakanila? Agad agad na akong nagmadali na maglakad papunta sa bilihan ng gatas at dumiretso sa parking lot para agad puntahan si van.

Agad naman akong nakarating sa bahay nila van ng walang hirap dahil maaga pa naman at di ganon ka traffic.

Pagkapasok na pagkapasok ko isang vanessa fajardo ang natagpuan kong nakahiga sa sofa sa sala pagang paga ang mga mata at halata mong walang tulog dahil sa itim at lalim ng ilalim ng mata nito.

"Van?" Mahinang tawag ko dito kasabay ng mahinang pagtapik sa balikat nito. Agad agad naman itong napabangon na para bang gulat na gulat.

"Travis?" Unang salita na lumabas sa bibig nito. Ano pa bang bago diba?

"Wala si travis" sabi ko dito at agad namang nagiba ang timpla ng mukha nito parang gusto ulit umiyak.

"Shh, wait moko dyan kukunin ko lang si jayce" pagkasabi ko non agad ko ng pinuntahan si tristan.

VANESSA POV

"Wala si travis" agad akong nanlumo sa narinig ko mula kay anica. Hindi man lang ito magsabi na aalis na. Akala ko ba ngayon kami mag uusap? Hindi ba talaga sumagi sa isip nya na ayusin namin yung nangyare kagabi.

"Shh, wait moko dyan kukunin ko lang si jayce" pagkasabi nito agad na ding umalis para kunin ang anak ko.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at dinial ang phone number ni travis para sana kausapin ito na umuwi ng maaga at makapag usap ng maayos pero isang babae ang sumagot dito.

"Hello maam?" Sagot ng secretary ng asawa ko na ikinagulat ko.

"Asan si travis? Bakit hindi siya ang may hawak ng cellphone nya?" Takang tanong ko, dahil kahit minsan hindi nito iniiwan sa secretary ang personal belongings nya lalo na ang cellphone.

"Maaga pong pumunta si sir travis dito para ipa cancel lahat ng appointments nya at iniwan nya po sakin ang phone nya" paliwanag naman nito.

"How about the important callers? Hindi ba dapat siya ang sumasagot non?" Muling tanong ko dahil hindi naman pwedeng secretary nya lang ang sasagot lalo na kapag sobrang importante.

"Gamit po ni sir yung extra phone nya, kinuha nya po ito sakin kanina at iniwan nga po ito." Muling paliwanag naman nito.

"Hey! Sino yan?" Isang pamilyar na boses ng lalake ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Asawa po ni sir tra-" hindi natapos nito ang sasabihin ng biglang sumigaw ang isa pang nasa kabilang linya.

"Anong bilin nya sayo? Diba I-off mo yang phone nya" galit na galit na tono ang narinig ko.

"D*mn it! Matatanggal ka sa kapabayaan mo!" Galit na galit na sigaw nito.

"Sorry po si-" bigla nalang namatay ang kabilang linya sinubukan ko ulit tawagan ito pero nakapatay na ang cellphone.

Kilala ko yung boses na yon sobrang pamilyar ng boses na yon. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko narinig.

"Hey girl! Sino yung kausap mo?" Biglang tanong ni anica habang hawak hawak na nito si jayce.

"Secretary ni travis" napapaisip kong sagot dito.

"I saw travis kanina may kasama syang babae and she looks familiar. I think nakita ko na syang lumabas sa magazines?" Nag iisip din na sabi nito pero agad narindi yung tenga ko sa sinabi nitong babae ang kasama ni travis.

"Saan mo sila nakita?" Agad na tanong ko.

"Coffee shop" agad  din naman na sagot nito.

"Pwede ko bang iwan muna si jayce sayo? May pupuntahan lang ako" tumayo naman agad ako pagkasabi non.

"Wait. Saan ka pupunta aber? Dont tell me pupuntahan mo yung coffee shop" nanlalaking mata na sabi nito.

"No, ako na ang bahalang umalam kung ano nga bang ginagawa ng asawa ko" pagkasabi ko non agad na akong naligo at nagayos.

To be continued ...

Thanks you for still supporting me kahit na sobrang tagal ng walang update nito. Sa ngayon po inaayos ko na para masundan ko na lahat ng story pero syempre uunahin ko muna to.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon