(DAGDAG) CHAPTER 28

4.2K 50 8
                                    

VANESSA POV

Nasa harap ako ngayon ng coffee shop na sinabi sakin ni anica kanina kung nasaan si travis at hindi nga sya nagkamali dahil mula dito tanaw ko ang aking asawa na masayang masaya sa kausap nito.

Isang babaeng sobrang ganda, kung ikukumpara ko ang sarili ko dito walang wala ako. Eto yung tipong lahat ng lalake mag kakagusto.

Ang sakit makita na yung taong mahal mo masaya sa iba, yung mga ngiti ni travis ngayon minsan nya lang ipakita pag ako yung kaharap nya. Ano kayang pinag uusapan nila? Bat ganon nalang si travis kasaya?

Bakit ganto? Eto nanaman ba kami? Babalik nanaman ba ako sa point na iiyak nanaman ako gabi gabi? Iisipin ko nanaman ba kung ano ang kulang sakin? Kung may mali ba? Kung bakit ganto lang ako?

Sa pag tayo ko dito hindi ko napansing lumuluha nanaman ako habang nakatingin sakanila fvck vanessa! Akala ko ba huling luha na?

Hindi na ako nakapag antay kailangan ko ng kausapin si travis. Papasok na sana ako sa coffee shop ng harangan ako ng guard.

"Sorry ma'am, pero close po ang coffee shop. Balik nalang po kayo mamaya" Agad naman nangunot ang noo ko.

"Close? Bakit may tao sa loob?" Tanong ko sabay turo sa dalawang tao na nasa loob.

"Sorry ma'am per-" Hindi ko na sya pinatapos at agad na pumasok sa loob rinig ko naman ang pag sigaw ng guard at paghabol sakin dahilan para ang atensiyon ng dalawang masaya kanina ay matuon sakin.

"Van? Anong ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ni travis sakin at halata mo dito ang pagka gulat.

"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan travis, Dito na ba ang bago mong opisina?" Seryosong tanong ko dito sabay tingin sa babaeng ngayon ay nakatingin din sakin.

"May importante lang kaming pinag uusapan" Sagot naman ni travis sakin.

"Sobrang importante ba nyan para ipa-cancel mo lahat ng meetings mo ngayong araw?" Tanong ko dito pero ang tingin ko ay di naalis sa mukha ng babae.

"Kasi an-" Magsasalita sana ang babae ng senyasan sya ni travis kaya hindi nito natuloy ang sasabihin.

"Sa bahay na tayo mag usap van" Mahinahon na sabi ni travis sakin.

"No, pwede naman siguro dito." Pagkasabi ko non umupo ako sa bakanteng upuan atsaka sumenyas na umupo na rin sila.

"Van ano ba?" Sambit ni travis at halata ditong inis na at pagod base sa mga salita nito.

"Travis mauna na muna siguro ako" Paalam ng babae atsaka agad agad na umalis, sinundan ko naman ng tingin yung babae hanggang sa lumabas ng coffee shop pagkatapos non ay binaling ko ang tingin ko kay travis na ngayon ay pagod na pagod ang mukha.

"Sino sya?" Seryosong tanong ko dito pero isang iling lang ang natanggap ko atsaka ito tumalikod at iniwan akong nakaupo sa coffee shop.

Agad naman nandilim yung paningin ko sa ginawa ni travis kaya agad ko itong hinabol atsaka hinila sa braso paharap sakin.

"Ano bang problema mo travis?!" Hindi ko mapigilang sigaw dito dahilan para pag tinginan kami.

"Pwede ba mamaya na natin pag usapan yan, pagod ako" Halata namang pagod sya. Pero saan?

"Pag dating sakin pagod? Pero nung kausap mo yung babae kanina dika pagod?" Inis na sabi ko dito, bakit ba ganyan sya? Bakit ba bumabalik nanaman sya sa dati?

"Van umuwi kana" Pagkasabi nya non agad nya na akong hinila paalis don dahil pinag titinginan na kami ng mga tao.

"Travis" tawag ko sa pangalan neto pero hindi man lang ako binalingan ng tingin nito.

Kaya mas minabuti kong manahimik nalang, Agad naman kaming nakarating sa opisina nito.

"Ipapahatid nalang kita sa bahay" Sabi nito atsaka umupo. Kukuhanin na sana nito ang telepono ng magsalita ako.

"Ano bang problema travis?" Tanong ko muli dito.

"Van im tired" Simpleng sagot lang nito sakin na kinainis ko.

"Pagod san?! Nag leave ka nung isang araw, pina-cancel mo lahat ng meetings mo ngayon. San ka pagod? Tell me?" Galit na sabi ko dito, hindi ko na kasi maintindihan si travis naguguluhan nako.

"May inaasikaso lang ako" muling sagot nito sakin.

"Sobrang importante ba nyan para balewalain mo lahat?! Ano ba yan?" Agad naman kumunot ang noo nito dahil sa inasta ko.

"Yung mga ngiti mo kanina kaharap yung babae, Sobrang saya mo parang dika nakakaramdam ng pagod pero pag ako kaharap mo? Bakit ganyan ka? Pag ako lagi kang pagod?!" Seryosong pasigaw sambit ko.

"Umuwi kana van" halatang inis na sabi nito, kilala ko si travis ayaw na ayaw nito ng sinisigawan sya.

"Fvck travis! Ano ba?! Alam mo mapapasorry nalang talaga ko for being myself. Like sorry kasi ito lang ako, sorry hanggang dito lang kaya ko. Sorry i can't be the person you always wanted im sorry" hindi ko na napagilang sabi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Agad naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Ano pa bang kulang travis? Gumaganti kaba? Hindi pa ba sapat lahat lahat? Travis nakakapagod na, nakakasawa na yung laging ganto" Parang batang pag mamaktol ko dito.

"Never kang makakaramdam ng sawa, kapag mahal mo talaga yung tao" Sabi naman nito atsaka kinuha ang telepono atsaka may dinial.

"Tumawag ka ng driver, ipapahatid ko si van" pagkasabi nito sa kabilang linya pinatay nya na.

"Umuwi kana at mag pahinga" pagkasabi nito agad itong nag bukas ng ilang mga folder sa lamesa nya.

"Why hurt someone na walang ibang ginawa kundi mahalin ka ng buo?" Sabi ko dito kasabay ng pag punas ko sa luha ko.

"Just! Please.." pagtitimpi na sabi nito. Atsaka tinuro ang pinto.

"Why?!" Sigaw ko dito habang nakatitig sa mga mata nito.

"Minsan kailangan mong lumayo para dika masaktan" Sambit lang nito atsaka bumalik sa ginagawa, lumayo? Anong ibig nyang sabihin? So? Lalayo nalang ako para di ako masaktan?

Agad naman na akong tumalikod sakanya, mukhang nagsayang lang ako ng oras dahil wala akong sagot na nakuha mula sakanya. Bubuksan ko na sana yung pinto ng magsalita ito.

"Ayusin natin to pag uwi ko" Halata sa boses nito na pagod na pagod.

"Lahat ng bagay naaayos , pero hindi na tulad ng dati. Travis sagad na yung sakit." Pagkasabi ko non tuluyan ko ng nilisan yung opisina nya.




Dont hate me please.... sobrang busy lang po talaga ni author pero ginagawa ko po yung best ko para matapos lahat ng stories ko ♥️

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon