Chapter Three

21.4K 379 5
                                    

“Hoy! Hindi kaba babangon?! Wala pang pagkain alam mo naman na may trabaho ako!" Nagising ako hindi dahil sa pag sigaw ni travis kundi dahil sa pag sampal nya sakin at pag palo sa braso kong namamaga at namamasa dahil sa pagkahulog ko kagabi halos hindi ko na nga ito maigalaw e.

"So-sorry travis tinanghali na pala ako ng gising magluluto nalang ako ng mabilis" sabi ko sakanya at tatayo na sana nang...

"Wag na duon nalang ako kakain baka mawalan pa ako ng gana kapag nakita ko pag mumukha mo! Tsk! Iresponsableng tao! Yan ba ang ipinag mamalaki mo?! Asawa pala aa?! Wala talagang kwenta!" Sabi nito atsaka tumalikod na saakin at umalis maya-maya lang narinig ko na ang kotse nyang umalis at hindi ko nanaman napigilang hindi umiyak.

"Ha-hanggang kelan travis?" Bulong ko sa kawalan at umiyak,napahinto naman ako ng may kumatok kaya agad agad kong pinunasan ang luha ko at tumungo sa pinto at binuksan ito at nakita ko si axel na nakangiti ngunit agad ding nawala yung ngiti nya.

"Anong ginagawa mo dito? Kaaalis lang ni travis ee" tanong ko sakanya pero imbis na sagutin nya ako nakakunot noo itong nakatingin sa braso ko.

"Anong nangyare dito?" Tanong nito saakin at hinawakan ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Aa-ee a-ano kase nalaglag ako sa hagdan kagabi,hindi ko kasi nakita yung nilalakaran ko dahil madilim" pagsisinungaling ko pero mas lalong nangunot ang noo nya ng makita ang namamaga kong mata.

"May problema ba? Bakit namumugto ang mata mo?" Takang tanong nito at halata mo ang pag aalala sa kanyang mga mata at sa tono ng boses nito.

"Ma-masakit kasi yung braso ko ee" pagsisinungaling ko uli,Jusko lord patawarin nyo po ako ang dami ko nang kasalanan sainyo.

"Sumama ka sakin pupunta tayo ng hospital" Sabi nito saakin nang hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang mag pa hospital.

"Wa-wag na axel kaya ko naman ee" pagtanggi ko sakanya,Nahihiya din kasi ako sa tao nakaistrobo pa ako dahil lang dito sa katangahan ko.

"Hindi,kailangan nating ipatingin ang braso mo baka may pilay kana" paliwanag nito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang um-oo nalang.

"Si-Sige mag bibihis lang ako" sabi ko naman sakanya at pumasok sa Guess room nagsuot lang ako ng jeans at white t-shirt hindi naman kasi ako maarte sa pananamit.At nang matapos na ako agad naman na kaming umalis.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon