07:21 pm
Justin: Moira.
Justin: Tangina naman.
Moira: Bakit? Ano nanamang ginawa ko? Wait. May ginawa nga ba ako sayo?
Justin: Masaya akong nag-p.e. ka na, at hindi nalang si Jeonghan ang magiging kalaro ko.
Justin: Pero nakita kasi kita kanina.
Moira: Saan?
Justin: Sa room. Nung lumabas na tayong lahat. May nakalimutan kasi akong kunin kaya bumalik ako sa loob.
Justin: Tapos nandun ka. Tinanggal mo yung jacket mo.
Moira: Tangina.
Justin: Diba nakakaputa.
Justin: Nagtataka talaga ako sayo kasi magpe-p.e. tayo tas nakajacket ka.
Justin: Kaya hindi na ako nagtaka nung lumabas ka na na nakajacket pa rin
Moira: Kalimutan mo nalang yung mga nakita mo
Justin: Hindi e
Justin: Sobrang dami mong pasa
Justin: Wag mo namang sabihin sakin ngayon na careless ka lang kaya marami ka nun
Justin: Alam kong may mali
Justin: Moira magsabi ka sakin
Justin: Kaibigan mo naman ako diba?
08:21 pm
Moira: Hindi kita kilala.
Justin: Anong kagaguhan yan?
Moira: Kaklase nga kita. Kaibigan.
Moira: Pero hindi kita ganun kakilala
Moira: Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ka ba o ano
Justin: Ano?
Justin: All these time yan ang tingin mo sakin?
Justin: Na hindi ako mapagkakatiwalaan?
Moira: Sandali pa lang naman tayong magkakilala e
Moira: At hindi ko sinasabi ang mga personal kong problema sa hindi ko pa ganun kakilala
Moira: Sorry.
Justin: Moira seryoso ka ba?
Moira: Wag kang makulit!
Moira: Justin hayaan mo na ako sa bagay na to. Please lang.
Justin: Sige.
Justin: Pero nagulat lang ako.
Justin: Hindi mo pa rin pala ako pinagkakatiwalaan.
Justin: Hahahahaha
Moira: Sorry talaga.
Justin: Tatahimik nalang ako, Moira.