04:11 pm
Moira: Dap sorry ngayon lang.
Moira: Ilang galon pa kasi yung iniyak ko haha.
Daphne: Dafuq, Moi. Spill.
Moira: I'll start na
Moira: Huminga ako nang malalim katulad ng sinabi mo sakin. And then I opened the door.
Moira: Natawa ako sa sarili ko kanina. Kahit na nagulat ako na nandito sila mommy, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong maiyak at yakapin sila kasi ilang taon ko ng hindi nagagawa yun eh.
Moira: Nag-iyakan kami run, tas sila yaya rin nag-iiyak na samin. Parang naubos yung ilang minuto sa yakapan naming tatlo. Pero okay lang. Ang saya saya ko naman kanina
Moira: Nung maupo na kami, sorry sila nang sorry sakin, kasi raw sa loob ng maraming taon ngayon lang daw nila naisipang umuwi
Moira: Sabi ko okay lang, kasi para sakin din naman yun. Para sa future ko. At hindi ko naman sila binibigo kasi pinagbubutihan ko rin naman ang pag-aaral ko diba
Moira: Ayun nagkwentuhan kami ng ilang oras. Tinanong kung kamusta na raw ako sa school, kung marami na raw ba akong kaibigan, kung may nanliligaw na raw ba sakin.. . kung may boyfriend na raw ba ako.
Moira: The moment they asked me that, I froze.
Moira: Di ako nakasagot agad, kasi alam mo na.
Moira: Nagulat ako sa ginawa ni dad.
Moira: Bigla niyang pinaalis sila yaya. Pinapunta niya run sa sarili nilang bahay, don sa lalagpas pa sa clubhouse.
Moira: Bigla akong kinabahan, Dap. Naging tahimik. Bigla tuloy lumamig eh malamig naman talaga dahil centralized yung aircon pero alam mo yun, dahil sa kaba ko na rin
Moira: Natigilan ako nung sinabi ni mommy na, "Anak, ba't ka nakajacket?"
Moira: Sabi ko, "mommy malamig po," sabay tawa. Pero kinakabahan na talaga ako kasi bakit bigla naman niyang natanong yun? Diba? Hindi naman ako nagpahalata eh, tas biglang ganon
Moira: Sabi ni daddy, "Anak, kami nga na galing sa nagssnow na bansa, hindi masyadong nagjajacket sa bahay. Ikaw pa kaya? Nahihiya ka ba samin?"
Moira: PS: hindi ko kabisado yung mga exact na sinabi nila basta yon HAHAHA
Daphne: Continue!!!!
Moira: Nagblink lang ako ng ilang beses at hindi ko na nakayanag maging kalmado. Naiisip ko na kasi na baka, alam na kaya nila?
Moira: Putek naman kasi tong mga pasa ko eh. Ang bilis magkaron tas ang tagal gumaling.
Daphne: Sinong may kasalanan?
Moira: Si Tyler.
Daphne: Kasalanan mo rin naman yan kasi nga tanga ka pero ituloy mo na yung kwento
Moira: Oo na
Moira: Bigla nalang akong pinilit ni mommy na tanggalin yung jacket ko.
Moira: Dap mukha akong tanga, iling ako nang iling kay mommy. Halata na tuloy na may tinatago ako. Hindi ako makahinga. Muntik pa nga ako makipaghilahan sakanya sa jacket ko
Moira: Pero natigilan na ako nung sumigaw si daddy
Moira: Napaiyak na si mommy at napaiyak na rin ako