10:47 pm
Daphne: Hi Moi!
Daphne: Kamusta ka na diyan?
Moira: Daphne!
Moira: I missed you so so much!
Moira: I'm doing good. Ang bilis nga ng panahon eh
Moira: Tatlong buwan na pala ako rito? Hahahaha
Daphne: Oo at bakasyon na.. .. .
Daphne: Magkwento ka naman
Moira: Um
Moira: Pumapasok ako sa isang coffee shop ngayon
Moira: Part time singer/dancer. Kumbaga performer dito. Dagdag gimik kasi nila
Moira: Pinayagan naman ako nila mommy kasi masyado akong nabobore kapag nasa bahay lang ako
Daphne: Really? Nag-apply ka?
Moira: Nope
Moira: I was street casted
Moira: CHAROT HAHAHA
Moira: De, kasi yung anak nung may-ari kaedad ko lang din, tas narinig niya raw akong kumanta sa tambayan ko kaya niyaya niya akong magperform sa coffee shop nila
Daphne: Good for you
Moira: Sige Dap, bye muna haha pasok na ako eh
Daphne: Ingat :)))
12:53 am
Moira: Daphne
Moira: DAPHNE
Moira: GAHD
Daphne: OH?
Moira: Sorry kung nagising kita pero
Moira: Parang nakita ko si Justin kanina!!
Daphne: What?
Daphne: Saan?
Moira: Papasok na ako sa coffee shop, tas may nakita akong lalaking umiinom ng juice
Moira: Wala na akong chance para tingnan siya nang maiigi kasi tinawag ako ni Mr. Calvin
Moira: Kailangan ko na bang magsalamin ulit?!
Daphne: Sure ka bang siya yun?
Moira: No.
Daphne: Then it's not him.
Moira: Pero
Daphne: Moi, anong oras ka natulog kagabi?
Moira: Twelve?
Daphne: See? Puyat ka lang.