09:12 pm
Daphne: What the heck!
Daphne: Bat ngayon ka lang nag-online?!
Daphne: Kanina pa kita inaabangan
Daphne: Kanina pa ako nag-aalala rito!
Moira: Dap, sorry.
Moira: Nakatulog ako eh
Daphne: Kasi napagod ka sa pakikipagbuno mo kay Tyler!
Daphne: Moira tangina naman
Moira: Sorry
Daphne: Buti naman at hindi ka niya tuluyang nabugbog
Daphne: Moira, ako yung nagpapunta kay Justin, para kahit naman papano maipagtanggol ka niya sa boyfriend mo.
Daphne: Pero ano? Pinaalis mo lang! Di mo man lang pinasalamatan!
Daphne: Kung alam ko lang na ganun pala ang mangyayari, sana pala hinayaan nalang kita run na mabugbog
Daphne: Nakakahiya sa tao
Moira: Daphne hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko sa mga oras na yun
Moira: Pasensiya na
Daphne: Pero ikaw na nga ang nagsabi sakanya ng lahat diba? Dapat automatic na yun, na alam mo na na nandun siya; para iligtas ka
Moira: Hindi ko na alam
Moira: Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko
Moira: Hindi ko maintindihan yung sitwasyon ngayon kasi ang gulo
Moira: Litong lito na ako
Daphne: My god
Daphne: I'm sorry
Daphne: Dapat talaga kasi tumakas nalang ako rito sa reunion na to
Daphne: Buti nga at napigilan ni Justin ang sarili niya e
Moira: What do you mean?
Daphne: You're fucking numb!!
Daphne: Pinapaulit ulit ko na diba?! Gusto ka ni Justin! At nasasaktan siya! Moira, masakit sakanya yung makita niya palang na magkasama kayo ng boyfriend mo, lalo na siguro kung gaano kayo kalapit kanina nung naabutan niya kayo
Daphne: Mas masakit yung pinaalis mo siya
Moira: Kakausapin ko nalang siya
Daphne: Knowing you? Hindi mo agad magagawa yan
Daphne: Magpahinga ka na muna
Daphne: Alam ko namang pagod ka
Daphne: Sorry, nadala lang ako. Ang tanga mo kasi.
Moira: Sorry :(